ARTICLE

For The "DOS" Time: DANIEL PADILLA Magkakaroon Ng Birthday Concert Sa Big Dome!


Matapos ang kanyang sold-out birthday concert last year ay babalik muli sa Big Dome ang tinaguriang "Teen King" na si Daniel Padilla para i-celebrate ang kanyang kaarawan sa April!

Ang "DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert" ay gaganapin sa April 30, 2014 sa Araneta Coliseum na siguradong dadagsain ng kanyang libu-libong fans!

Sa nasabing concert ay makakasama ni DJ ang kanyang kaibigan na si Khalil Ramos, ang banda niyang Parking 5, The Reo Brothers, at si Rico Blanco.

Ayon kay Daniel, who will turn 19 on April 26, ay mayroon din silang production number ng "Teen Queen" at on-screen partner niyang si Kathryn Bernardo, at iba pang surprise guests!

For sure, mabilis magkakaubusan ng tickets para sa "DOS" concert ni DJ kaya wag na magpahuli pa!

Ticket prices:

Moshpit - P3,710
VIP - 3,180
Patron A - P2,970
Patron B - P1,275
Lower Box - P745
Upper Box - P530
General Admission - P265

Anong kanta ang gusto niyong i-perform ni DJ sa kanyang upcoming birthday concert? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • Manuel Jr.

    posted 2 years ago

    Sarah G's Perfect 10 has a higher ticket price!

PHOTOS

VIDEOS