ARTICLE

Catch The MYX Premiere Of MAJA SALVADOR's "Dahan-Dahan" TONIGHT!


Mapapanuod niyo na ang inaabangan na music video ng pinaka-bagong recording artist na si Maja Salvador!

Tutok lang sa MYX channel on cable mamayang 7PM para sa MYX Premiere ng single niyang "Dahan-Dahan"!

Sa naganap na presscon ni Maja para sa kanyang debut album na "Believe" ay naibahagi niya sa amin ang kwento sa likod ng kanta niyang ito.

"Yung producer ko na si sir Jonathan Ong, nagtanong siya kung anong story ng bagong teleserye ko na 'The Legal Wife.' So kwinento ko yung character ni Nicole na grabe siyang magmahal, pag na-inlove siya hindi niya ma-control yung sarili niya, may mga decisions siya na pabigla-bigla... So sabi niya, 'gawa tayo ng parang sa buhay dapat dahan-dahan lang.' After a week, nag-recording kami and buo na yung kanta," sabi ni Maja.

Panoorin ang interview namin with Maja by clicking the video below at alamin kung ano ang konsepto ng kanyang music video para sa "Dahan-Dahan"!


Don't forget! MYX Premiere ng "Dahan-Dahan" sa MYX channel on cable mamayang 7PM! Pagkatapos ng premiere ay pwede niyo na ito iboto dito sa MYXph.com!

Mag-register, i-verify ang inyong e-mail at i-type lamang ang Dahan-Dahan - Maja Salvador sa aming online voting poll at the right side of your screen on our homepage!

Anong masasabi niyo sa "Dahan-Dahan" ni Maja Salvador? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • PinoyBidyo

    posted 2 years ago

    Major props to sir Jonathan Ong. Sweet song and Maja's mellow voice is refreshing to the ears.

PHOTOS

VIDEOS