ARTICLE

KIM CHIU Poses With Her MYX Music Awards Trophy!


Few weeks ago ay ginanap ang MYX Music Awards 2014 kung saan nanalo ang actress na si Kim Chiu sa Favorite Guest Appearance In A Music Video category!

Ito ay dahil sa kanyang appearance sa music video ng Banda Ni Kleggy for "Discolamon." Todo ang suporta ng kanyang mga fans sa pagboto kaya naman masayang-masaya si Kim nang malaman niyang nanalo siya sa MYX Music Awards!

"To all my supporters and friends na walang sawa and walang kapagodan bumoto sa MYX!! Love u all!! :) appreciate all your efforts!" sabi ni Kim sa isang Instagram post niya.

Tingnan ang kanyang photo with her MYX Music Awards 2014 trophy na pinost ng Star Magic sa kanilang Instagram account!


Noong 2008 ay nanalo rin si Kim Chiu sa Favorite Guest Appearance In A Music Video category para naman sa music video ng Itchyworms na "Love Team" kung saan nakasama niya si Gerald Anderson.

I-congratulate niyo si Kim Chiu by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS