ARTICLE

MANNY PACQUIAO Panalo Laban Kay TIMOTHY BRADLEY!


Buong Pilipinas at maging ang buong mundo ay sumubaybay sa muling pagtapak ni Manny Pacquiao sa boxing ring laban sa Amerikanong si Timothy Bradley.

Maaalalang nabigo si Pacman sa huli nilang pagtatapat ni Bradley nang makuha nito ang WBO Welterweight belt mula sa People's Champ.

Kanina sa kanilang muling paghaharap sa MGM Grand sa Las Vegas ay kitang-kita ang determinasyon ni Pacman na maipanalo ang laban para sa kanyang mga kababayan at para na rin mabawing muli ang WBO Welterweight belt.

Umabot ng 12 rounds ang bakbakan ng dalawang boksingero at nagwagi si Pacquiao via unanimous decision sa score na 116-112, 116-112 at 118-110.

Our Pacman is definitely back!

Congratulations, Manny Pacquiao!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS