ARTICLE

"Takipsilim" No. 1 Na Sa MYX Daily Top Ten!


From No. 7 noong Biyernes ay sumugod sa No. 1 spot sa MYX Daily Top Ten ang collaboration nina Gloc-9 at Regine Velasquez-Alcasid na "Takipsilim"!

Mukhang marami ang nakaka-relate sa bagong single na ito ni Gloc-9 na tumatalakay sa nawalang pag-ibig.

"Hanggang ngayon pag pinapakinggan ko yung song, kinikilig talaga ako, eh. Kahit yung process namin ng recording, isa sa pinaka-memorable recording days ko as a recording artist," sabi ni Gloc-9 nang matanong siya tungkol sa kanyang recording experience para sa kanilang collaboration ng Asia's Songbird.

Ang "Takipsilim" ay ang follow-up ni Gloc-9 sa "Magda," na nakapag-uwi ng apat na MYX Music Awards kabilang ang Favorite Collaboration, Favorite Urban Video, Favorite Song at Favorite Music Video.

Gaano katagal kaya mahahawakan nina Gloc-9 at Regine Velasquez-Alcasid ang No. 1 spot sa daily countdown?

Patuloy lang ang pagboto sa inyong paboritong music videos dito sa MYXph.com! Mag-register, i-verify ang inyong account at i-type ang: title of the song - name of the artist sa aming online voting poll sa right side ng inyong screen on our homepage!

Pwede niyong tingnan ang buong resulta ng MYX Daily Top Ten by clicking here!

Ano ang paborito niyong linya mula sa "Takipsilim"? Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

  • TeamGloc9

    posted 2 years ago

    "Ang paalam ay isang malungkot sa salita
    Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa
    Kaya sabihin mong mahal mo s’ya
    Bago mahuli ang lahat" .. --- Congrats ser Gloc-9 .. Ang buong teamgloc9 laging handang sumuporta sayo .. #teamgloc9

  • zerapro21

    posted 2 years ago

    "Lumuhod sa ama, tumingala nang maling nagawa mabaliwala" congrats ser Gloc-9 and Ms. RegineVAlcasid .. #teamgloc9

  • lee min ho

    posted 2 years ago

    Maganda naman to pero di magpapatalo ang mga Blackjacks! 2NE1! c

  • tulolaway

    posted 2 years ago

    well deserve sir aris..

  • paco_beth77@yahoo.com

    posted 2 years ago

    yehey!!! idol ka talaga..:)

PHOTOS

VIDEOS