ARTICLE

JOHNOY DANAO "Samu't-Sari" Ang Awit Na Handog Sa Kanyang Bagong Album!


Masayang-masaya ang singer-songwriter na si Johnoy Danao sa paglabas ng kanyang bagong album na "Samu't-Sari."

Mayroong 11 tracks ang nasabing album ni Johnoy kabilang ang "Aking Mahal," "Salubong," "Bakuran feat. Aiza Seguerra," "ang Philpop 2013 1st runner-up na "Kung 'Di Man" at ang carrier single na "Buntong-Hininga."

Kabilang din sa album ang kanyang versions ng "Sundo" ng Imago at "Beer" ng Itchyworms. "Ang ganda ng mga kantang ito. Ito yung mga kanta na alam mong pinag-isipan. Ito yung kanta na minsan iniisip ko na 'sana ako nagsulat nito," sabi ng singer-songwriter.

Ayon kay Johnoy, tinawag itong "Samu't-Sari" dahil "Iba-iba yung kwento ng mga kanta sa album. Iba-ibang emosyon, napaka-raming instrumento ang maririnig niyo dito sa album."

Panoorin ang buong interview namin with Johnoy Danao by clicking the video below:


Available na ang "Samu't-Sari" ni Johnoy Danao sa lahat ng leading record bars nationwide!

Tracklist:

1. Buntong-Hininga
2. Salamat Sinta
3. Aking Mahal
4. Bilog Ang Bola
5. Sundo
6. Malayang Bilanggo
7. Bakuran feat. Aiza Seguerra
8. Kung 'Di Man
9. Beer
10. Salubong
11. Ikaw At Ako (Bonus Track)

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS