ARTICLE

Take A Look: YENG CONSTANTINO's Metamorphosis Through The Years


2006 nang una nating makilala si Yeng Constantino bilang isa sa mga scholars ng ABS-CBN reality singing competition na Pinoy Dream Academy.

Doon ay ipinakita ni Yeng ang kanyang kakaibang talento sa musika, determinasyon at ang kagustuhang palawakin pa ang kanyang kaalaman sa mundo ng musika.


Matapos itanghal na Grand Star Dreamer ng nasabing singing competition ay unti-unti naman nating natunghayan ang transformation ni Yeng patungo sa kilala natin ngayon na Pop-Rock Princess.

Heto ang kanyang pinaka-unang album cover para sa "Salamat" noong 2007!


2008 naman ng i-release ang kanyang sophomore album na "Journey" kung saan mas nag-reflect na kay Yeng ang kanyang titulong Pop-Rock Princess!


A year after, lumabas naman ang kanyang album na "Lapit" kung saan ipinakita niya sa lahat ang... hayaan niyo kaming tawagin ito na... rocker bangs!


Sinubukan din ni Yeng ang super short hair na ayon sa kanya ay nangyari noong panahon na sobrang na-bore na siya sa kanyang look.


2013 ay nakilala natin ang bagong Yeng hindi lang dahil sa bagong hair color pero pati na rin sa bagong tunog na hatid ng kanyang album na "Metamorphosis"!


Noong simula naman ng taong 2014 ay nag-explore muli si Yeng in terms of hair color. Mula sa pulang buhok ay naging ash blonde ito, na agad din naman niyang pinalitan to purple, hanggang sa kasalukuyan.



Ayon kay Yeng, isa sa mga aabangan ng kanyang fans this year ay ang kanyang bagong album kung saan bagong Yeng muli ang matutunghayan ng lahat. Excited na ba kayo para dito?

Anong look ni Yeng Constantino ang pinaka-nagustuhan niyo? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • lhayd

    posted 2 years ago

    kahit ano naman po yung hair style nya,she's always pretty..pero pinakagusto ko po yung redhair nya :) YENG is <3 <3 <3

  • Yedda

    posted 2 years ago

    Yung Red hair po <3 :D

  • iracarlos

    posted 2 years ago

    *transformation

  • iracarlos

    posted 2 years ago

    Pinakagusto ko po yung red hair nya kasi grabe #PrinsesangMayPulangBuhok kasi super tranformation po ang naganap. Simple pa rin naman po si ate-idol Yeng pero iba po talaga yung hatak nung red hair. \m/

  • edtagle

    posted 2 years ago

    mas gusto ko ung buhok nyang natural, simple!

PHOTOS

VIDEOS