ARTICLE

Engaged Na Ang JAMICH!

Photo from Jamich's Instagram account.

Ang YouTube tandem at real-life couple na sina Jam Sebastian at Michelle Liggayu, o mas kilala bilang Jamich, engaged na!

Kagabi ay nai-share ng magkasintahan ang masayang balita sa kanilang mga fans through their social media accounts.

"We are now officially engaged!" Masayang pagku-kwento ni Jam, who remains strong as he continues to fight with lung cancer. "Oo, si Mich nag propose sa akin sa harap ng maraming tao kanina sa church," dagdag pa niya.

Sa Facebook post naman ni Jam ay doon niya nai-kwento ang buong pangyayari sa proposal ni Mich sa kanya.

"Dahan dahan lumalapit si Mich, di ko na naiintindihan sinasabi niya kasi iba na yung pakiramdam... Nung malapit na siya sa akin bigla ba namang sinabi 'Will you be my happily ever after?'... Biglang inabot sa akin yung ring... Tapos sinabi ko 'Will you marry me?' Sabi niya 'OF COURSE YES'..."

Basahin ang buong kwento ni Jam sa ibaba:



Congratulations, JAMICH!

I-send niyo na rin ang mensahe niyo para sa Jamich by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS