ARTICLE

"Just Got JAZZIFIED!" MARKKI STROEM, KZ TANDINGAN Hold Successful Team-Up Concert!


Friday night ay ginanap ang inaabangan na concert nina Markki Stroem at KZ Tandingan na "Jazzified"!

Unang beses ito na nagsama sa isang concert sina Markki at KZ kaya naman excited ang lahat ng kanilang mga fans na marinig at mapanuod ang mga performances na inihanda nila.


Hindi naman nabigo ang mga nanood ng "Jazzified" dahil all throughout the night ay ibinigay ng dalawang singers ang kanilang best performance!

Binigyan nina Markki at KZ ng bagong timpla ang mga classic hit songs katulad ng "Panalangin" at "Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba" ng APO Hiking Society, "Isang Linggong Pag-Ibig," at mga international hits katulad ng "Blurred Lines," "Drunk In Love," at marami pang iba.



Sa aming MYXclusive interview ay nai-share sa amin ng dalawa na sila mismo ang nag-areglo ng mga pinerform nilang kanta last night.

"I think we created something special," sabi ni Markki. "Sobrang nakaka-proud! Sobrang tuwang-tuwa kami," sabi naman ni KZ.

Lubos ang pasasalamat nila sa lahat ng pumunta sa kanilang concert at sana raw ay hindi ito ang una at huling "Jazzified" concert!

Congratulations Markki and KZ!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • kellytea12

    posted 2 years ago

    saw the videos in FB, Sublime! Amazing! Extreme!

PHOTOS

VIDEOS