ARTICLE

Alin Ang Pinaka-Paborito Niyong Role Ni SARAH GERONIMO Sa Pelikula?


Bukod sa best-selling albums, No. 1 hits at numerous music awards ay kilala rin bilang Box Office Queen ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!

Ilang beses na niya tayong pinakilig sa kanyang mga pelikula at minahal din natin ang iba't ibang karakter na ginampanan niya. Pero alin sa mga ito ang pinaka-paborito niyo?

Lara - "Lastikman" (2004)


Cecilia - "Hating Kapatid" (2010)


Roan Sanchez - "Catch Me, I'm In Love" (2011)


Natunghayan natin ang kwento ng social worker na si Roan Sanchez at ng anak ng Presidente ng Pilipinas na si Erick Rodriguez na magkaiba man ang mundo nila, nangibabaw pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa!

George / DJ Heidee - "Won't Last A Day Without You"


Naging tulay si DJ Heidee sa relasyon nina Andrew Escalona at ng girlfriend nito pero sa pagtulong ni DJ Heidee na maayos ang relasyon ng dalawa ay nauwi ito sa di inaaasahang pamumuo ng pagtitinginan nila ni Andrew.

Laida Magtalas

"A Very Special Love" (2008)
"You Changed My Life" (2009)
"It Takes A Man And A Woman" (2013)





Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa determinadong si Laida Magtalas na gagawin ang lahat mahalin lang siya ng taong mahal niya? Nasaksihan natin ang love story nina Laida at Miggy Montenegro sa napaka-successful na romantic-comedy trilogy na ito.

Ngayong 2014 naman ay balik-pelikula ulit si Sarah G. sa "Maybe This Time" kung saan makakatambal niya si Coco Martin! Panoorin ang trailer nito sa ibaba:


Kasalukuyan naman na nasa No. 3 spot ang music video ng "Maybe This Time" sa MYX Daily Top Ten! Umabot kaya ito sa No. 1?

Anong role ni Sarah Geronimo sa pelikula ang pinaka-paborito niyo? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • elijah1483

    posted 2 years ago

    Laida Magtalas ;-)

  • _kyungsooswife

    posted 2 years ago

    Laida Magtalas! <3

  • gerrishSG

    posted 2 years ago

    ako.. it takes a man and a woman.. hehehe

PHOTOS

VIDEOS