ARTICLE

#ThrowbackThursday: SANDARA PARK's "Star Circle Quest" Audition!


10 years ago ay nakilala natin ang Korean na si Sandara Park nang sumali siya sa talent search competition ng ABS-CBN na "Star Circle Quest."

Agad tayong namangha sa kanyang charm na ipinakita niya pagtapak pa lamang niya sa kanyang audition.

Dahil #ThrowbackThursday ngayon at 10 years na si Sandara sa mundo ng showbiz, balikan natin ang video kung saan nagsimula ang lahat para sa kanya!

From YouTube user hanayorichui

From YouTube user Sayonara!!

Itinanghal na 1st-runner up si Sandara ng nasabing talent search competition. Simula noon ay marami na rin siyang ginampanan na roles sa TV at sa pelikula. Bukod dito ay nakapag-release din siya ng album kung saan kabilang ang hit single niyang "In Or Out."

Ngayon ay kilala na natin siya bilang 1/4 ng Korean girl group na 2NE1. Pero kahit isa na siyang K-Pop star ay hindi pa rin siya nakakalimot sa kanyang pinanggalingan dito sa Pilipinas.

Sa kanilang kakatapos lamang na concert dito ng kanyang grupo ay kitang-kita na iba pa rin talaga ang charm ni Sandara sa mga Pilipino!

This year ay ipinagdiriwang ni Sandara ang kanyang 10th year dito sa industriya! Tingnan ang kanyang tweet sa ibaba:



Happy 10th anniversary, Sandara!

Pwede niyo rin ipadala ang mensahe niyo para kay Sandara! Mag-iwan lang ng komento sa ibaba.

Comments

X

  • gailpop

    posted 2 years ago

    SANDARA "DARA" PARK!! MAHAL KITA <3

  • maryjune01

    posted 2 years ago

    Ito ang Korean idol na GENUINE ang beauty.

  • phengjoy

    posted 2 years ago

    happy 10th dara...im still her to spport u

  • alexdecena

    posted 2 years ago

    Happy 10th year Anniversary in the Entertainment Industry DARA PARK!!!

PHOTOS

VIDEOS