ARTICLE

Bakit Kaya Ganito Ang Itsura Ni YENG CONSTANTINO Sa Photo Na Ito?


Last week ay inilabas na ni Yeng Constantino ang kanyang bagong single na "SeenZoned" mula sa Academy of Rock album na "The Next Step Volume 2"!

Sa press conference ng Academy of Rock ay naka-kwentuhan ng MYXph.com si Yeng at doon ay natanong namin siya kung ano ba ang kwento sa likod ng "SeenZoned."

Para sagutin ang tanong niyo kung bakit ganyan ang expression ni Yeng sa photo sa itaas, ito ay dahil masaya siya na maraming nakaka-relate sa bago niyang single! Pero ayon kay Yeng, at the same time raw ay nalulungkot din siya dito. "Ibig sabihin maraming dume-deadma sa inyo na mga crush niyo," sabi ni Yeng.

Ang "SeenZoned" ay isinulat ng dalawang Pilipinong composers na sina Fritz Rivera at Rodrigo Lobas Tan. Ayon kay Yeng, "I'm just really happy na nakuha nila yung timpla na gusto ko... Ni-record namin siya sa Singapore kaya sobrang exciting."

Panoorin ang full interview namin with Yeng by clicking the video below:


Kwento naman ni Yeng tungkol sa music video na kinunan mismo sa Singapore, "Ang cute nung mga suot ko! Sobrang gusto ko yung mga suot kong mga damit... Wala naman pinagkaiba, ako pa rin yun."

Kung di niyo pa napapanood ang "SeenZoned" music video ni Yeng Constantino, i-click niyo ang video sa ibaba!


Na-SeenZoned ka na ba?

Ano ang paborito niyong linya sa "SeenZoned"? Share niyo sa amin by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS