ARTICLE

X-Factor Grand Winner ROSE FOSTANES May Debut Album Na!


Early this year ay itinanghal na grand champion ng X-Factor Israel ang noon ay Filipina caregiver na si Rose Fostanes!

Malayo na nga ang narating ni Rose simula ng manalo siya sa nasabing singing competition at sa kanyang recent visit dito sa Pilipinas ay natupad na niya ang kanyang pangarap simula pa nung pagkabata niya -- ang magkaroon ng sarili niyang album! 

Pinamagatang "Rose Fostanes: My Way," kabilang sa kanyang debut album ang tracks na "Bakit Ako Mahihiya," "This Is My Life," "Forever's Not Enough," ang original tracks na "Ris" at "If This Is Love," at ang kanyang winning piece na "My Way."

Kwento ni Rose, mahirap ang naging proseso ng pagbuo nila ng album. "Ang problema sa akin, yung diction ko." Pero ayon sa kanya, kahit naging mahirap at madalian ang paggawa nila ng album ay sigurado siyang magugustuhan ito ng mga fans!

Panoorin ang full interview namin with Rose Fostanes by clicking the video below:


Available na ang "Rose Fostanes: My Way" sa lahat ng leading record bars nationwide!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS