ARTICLE

Amerikano Na Si JAKE WAY Gumawa Ng Cover Version Ng "Magda" Nina GLOC-9 At RICO BLANCO!

Photo from Jake Way's Facebook page.

Naaalala niyo ba ang Amerikanong si Jake Way na mula sa Seattle, Washington?

Ilang buwan ang nakakalipas nang mapahanga tayo ni Jake sa kanyang kakayahan na gumawa ng cover version ng "Bagsakan" ng Parokya Ni Edgar, Gloc-9 at Francis Magalona!

Kahit isa siyang full-blooded American ay magaling mag-Tagalog si Jake, dala na rin ng kanyang pagtira dito sa Pilipinas noon bilang parte ng US Marines.

Kung hindi niyo pa napapanood ang kanyang "Bagsakan" cover, i-click lamang ang video sa ibaba:


Ngayon, kasama ang Pilipina na si Leizel Banci at iba pang foreigners mula sa iba't ibang parte ng mundo, gumawa muli si Jake ng cover version ng isa na namang hit OPM song -- Ang "Magda" nina Gloc-9 at Rico Blanco!

Panoorin ito sa video sa ibaba!


Few months ago ay dumating dito sa bansa si Jake at nag-desisyon siya na manirahan na dito sa bansa upang tuparin ang kanyang pangarap sa larangan ng musika at pelikula.

For more on Jake Way, pwede niyo siyang i-follow sa kanyang Facebook at Instagram accounts! Mapapanood niyo rin ang iba pa niyang OPM covers sa kanyang YouTube channel..

Anong masasabi niyo sa "Magda" cover na ito? Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS