ARTICLE

"Puso Ang Sandata, Pag-Ibig Ang Bala" – Panoorin Dito Ang Bagong Music Video Ni QUEST!


"Harapin ang liwanag, talikuran ang anino."

Kahapon habang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw Ng Kalayaan ay inilabas na ni Quest ang kanyang music video para sa bago niyang single na "Digmaan" kung saan kasama rin niya ang singer na si Julianne.

Sa 9-minute music video na idinirek ni James Muleta ay makikita rin natin ang espesyal na pagganap ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola!

Kilala natin si Quest sa kanyang mga inspiring na awitin katulad ng "Sige Lang" at "Saludo" at hindi naiiba rito ang "Digmaan" na nagpapaalala sa atin na walang sinuman sa atin ang nag-iisa sa mundong ito at kahit ano pa man ang pagsubok na ating harapin ay kayang-kaya natin na makabangon mula rito.

Panoorin ang music video ni Quest para sa "Digmaan":


Anong masasabi niyo sa bagong single at music video ni Quest? Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Comments

X

  • worshipleaderdestiny

    posted 2 years ago

    Awesome!

PHOTOS

VIDEOS