ARTICLE

Learn How To Live The Life Of A Champion Through QUEST's Inspiring Lyrics And Tweets!


Minsan sa ating buhay ay dumarating tayo sa puntong parang hindi na natin kaya ang bigat ng problema, na parang gusto na lang natin sumuko sa mga pagsubok.

Pero dahil sa mga inspirasyon natin sa paligid, napapa-alalahanan tayo na ang lahat ng hirap sa buhay ay kayang-kaya natin lampasan.

Isa si Quest sa mga positibong musikero ngayon sa ating industriya. Kilala natin siya sa kanyang mga awitin na "Sige Lang," "Saludo" at ang current single niyang "Digmaan."

Madalas din siyang magbigay ng mensahe sa atin kung paano tayo magtatagumpay sa ating laban.

Paano nga ba maging isang kampeon sa mundong ito? Maaari natin matutunan yan sa pamamagitan ng mga inspiring tweets at lyrics ni Quest! Tingnan ang mga ito sa ibaba:

1.


Talikuran natin ang mga negatibong bagay sa ating buhay dahil ito ang humihila sa atin pababa sa ating pag-akyat sa inaasam nating tagumpay.

2.


Walang masama sa mataas na pangarap at parte na dito ang hirap na mararanasan natin sa pagtupad nito. Pero lagi natin tatandaan na ang mga hirap na ito ang siyang magpapalakas sa atin.

3.


Walang mangyayari sa atin kung habambuhay tayong pahihinain ng takot na nararamdaman natin. Kailangan natin maging matapang. Sabi nga nila, "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

4.


5.


Araw-araw kailangan natin maging masipag para mas gumaling pa tayo sa ginagawa natin. Hindi tayo uunlad kung dun lang tayo palagi sa "okay lang."

6.


Wag natin kalimutan na hindi natin mararating ang estado natin ngayon kung hindi dahil sa mga tao na nasa paligid natin. Naging parte sila ng paglalakbay natin patungo sa ating pangarap kaya't patuloy tayong magpapasalamat sa kanila.

7.


Ang buhay hindi nagiging mas mahirap, mas nagiging matatag lang tayo na harapin ang mga pagsubok. Lagi natin iisipin na "there's a light at the end of the tunnel."

8. "Tapos na ang kahapon, pwede nang itapon. Wag lang ang mga aral dapat yan ay ibaon."
9. "Wag ka nang mabahala, ako ang bahala. Kasangga natin si Bathala."
10. "Ilabas ang iyong pangarap, wag mong itago."
11. "Walang imposible. Sige lang, sige!"


12. "Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso."
13. "Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya."


14. "Puso ang sandata, pag-ibig ang bala."
15. "Kung ang akala mo ay nag-iisa ka, nagkakamali ka."
16. "Di ako naniniwalang sablay ka habambuhay."
17. "Harapin ang liwanag, talikuran ang anino."
18. "Ang katapusan ay panibagong simula."
19. "Yung dating talunan, ngayon ay isang kampeon."


Wag tayong matakot mangarap! Palagi natin tatandaan na sa lahat ng pagsubok sa buhay, hindi tayo nag-iisa. :)

Sa anong linya ka pinaka na-inspire? Share niyo sa amin!

Comments

X

  • jointeamquest

    posted 2 years ago

    and we are proud of you QUEST!!!! #teamquestph

PHOTOS

VIDEOS