ARTICLE

Naka-Relate Ba Kayo Kay Ginny Ng "Starting Over Again"? May Awit Si TONI GONZAGA Na Inspired Sa Role Niyang Ito!


Noong February 2014 ay nakilala natin si Ginny -- ang karakter na ginampanan ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa pelikulang "Starting Over Again."

Marami sa atin ang naka-relate, naiyak, nasaktan at natuto sa kwento nila ni Marco (Piolo Pascual) tungkol sa isang pag-iibigan na nahimlay sa paglipas ng panahon.

Ngayon, sa paglabas ng bagong album ni Toni na "Celestine" ay ibinabahagi niya sa kanyang mga fans ang isang awit na naisulat niya sa pagkatao ni Ginny na pinamagatang "Awit Ni Ginny."

Kwento ni Toni, naisulat niya ito habang naghihintay siya sa set ng "Starting Over Again." "Na-motivate ako ni Inang (Olivia Lamasan) ng sobra dun sa set. Punung-puno ako ng emotion... I was able to pour out everything that I was feeling at that time as Ginny dun sa song na yun," sabi niya sa aming MYXclusive interview.

Naibahagi rin ni Toni sa amin na ang unang title raw na ibinigay niya sa kantang ito ay "Himlay," ngunit sabi raw ng kanyang album producer na si Jonathan Manalo ay masyadong negatibo ang dating nito kaya nang ikwento sa kanya ni Toni kung paano niya nasulat ang kantang ito ay doon nila nakuha ang "Awit Ni Ginny."

Panoorin ang buong interview namin with Toni Gonzaga sa ibaba:


Pwede niyo rin panoorin ang official lyric video ng "Awit Ni Ginny" by clicking the video below:


Available na ang "Celestine" sa lahat ng record bars nationwide!

Ano ang paborito niyong linya sa pelikuang "Starting Over Again"? Share niyo sa amin by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS