ARTICLE

ALODIA GOSIENGFIAO Nagbigay Ng Tips Para Sa Mga Gustong Mag-Cosplay!


Dito sa Pilipinas, marami ang interesado sa pagko-costume play o mas kilala sa tawag na cosplay.

Ang cosplay ay isang libangan kung saan ang isang tao ay nagsusuot ng iba't ibang accessories at costumes para i-represent ang isang specific na character -- mapa-anime, manga, role-playing games o superheroes, pwedeng-pwede itong i-cosplay ng kahit sino!

Recently ay naka-kwentuhan ng MYXph.com ang tinaguriang Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao at doon ay nakahingi kami sa kanya ng ilang tips para sa mga gustong sumubok sa cosplay!

Ayon kay Alodia, ang pagko-cosplay ay isang step-by-step process. "Sa mga hindi pa nakakapag-try mag-cosplay, I just advise them to start with a simple character." Mahirap daw ang pagko-cosplay pero pwede niyo raw itong simulan sa simpleng costume muna. "Little by little you'll learn how to make things... Kailangan mo lang ng tiyaga at sipag."

I-click niyo lang ang video sa ibaba para sa full interview namin with Alodia Gosiengfiao!


Sana ay may natutunan kayo sa ilang cosplay tips ng Cosplay Queen!

Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS