ARTICLE

#ThrowbackThursday: The 10 Most Memorable Pinoy Game Shows!


Mapa-umaga, tanghali, hapon o gabi, tutok tayo sa mga telebisyon natin kapag ang mga paboritong game shows na natin ang palabas.

Nahahawa tayo sa mga tensyon na nararamdaman ng mga contestants at madalas eh nakikisagot pa tayo sa mga tanong sa kanila. Minsan pa, kapag nasagot natin ang million-peso jackpot question, mapapasigaw pa tayo ng "Sana milyonaryo na ko ngayon!"

At dahil #ThrowbackThursday ngayon dito sa MYXph.com, balikan natin ang 10 sa mga pinaka-memorable na Pinoy game shows noon!

1. K! The 1 Million Peso Videoke Challenge


Ang "K! The 1 Million Peso Videoke Challenge" ay isa sa mga pinaka-sikat na karaoke game shows sa Pilipinas na pinangungunahan ng host na si Arnell Ignacio.

Noong 2004, naging celebrity game show na pinamagatang "All Star K! The 1 Million Peso Videoke Challenge" na pinangunahan naman nina Allan K. at Jaya.

Sa game show na ito nakilala ang linyang "Jukebox select!" na sinasabi ng host sa tuwing pipili na ng category para sa mga contestants. Merong mga naka-blankong lyrics sa bawat kanta na kailangan makanta ng tama ng mga contestants hanggang sa makaakyat sila sa jackpot round.

2. Kapamilya, Deal Or No Deal?


Swerte at tamang diskarte ang kailangan para mapanalunan ang P2,000,000 na jackpot prize sa game show na ito. Out of 26 briefcases ay pipili ang contestant ng kanyang personal case, with high hopes na naglalaman ito ng P2M.

Bawat round ay pipili ang contestant ng briefcase na bubuksan niya. Kailangan niyang iwasan na mabuksan ang mga matataas na values para pataas nang pataas din ang offer sa kanya ni Banker.

Unang naging host ng "Kapamilya, Deal Or No Deal?" si Kris Aquino sa first three seasons nito at si Luis Manzano naman sa 4th season.

3. Who Wants To Be A Millionaire?

Photo from abcallaccess.com

Sikat na game show ang "Who Wants To Be A Millionaire" sa Amerika na nagkaroon din ng Pinoy adaptation.

Kailangan masagutan ng tama ng contestant ang 15 multiple-choice questions paakyat sa jackpot question. Sa game show na ito nagmula ang tinatawag na "lifelines": ang 50:50, kung saan tatanggalin ang dalawang maling choices, ang Ask the Audience, kung saan sasagutin ng audience ang katanungan sa contestant, at ang Phone-A-Friend, kung saan bibigyan naman ang contestant ng pagkakataon na tumawag sa kanyang kapamilya o kaibigan para humingi ng tulong.

Unang naging host nito ang aktor na si Christopher De Leon at ang recent edition naman ay pinangungunahan ni Vic Sotto.

4. Sing Galing

Anim na taon nating nakasama ang "Sing Galing" – isang karaoke showdown na napanood natin sa ABC 5, hosted by Allan K. and Ai Ai Delas Alas.

Nagkaroon din ito ng ilang remake katulad ng "Sing Galing: The Trio-oke Showdown" at "Sing Galing ni Pops."

5. The Weakest Link

Photo from randallsmith.com

Ang "The Weakest Link" ay isang game show na susubukin ang talino ng isang grupo as they answer a set of general knowledge questions.

Sa bawat tamang sagot ay nadadagdagan ang pera nila sa kanilang chain at kapag nagkamali naman sila ay back to zero ang nasabing pera ng team.

At the end of each round ay pagbobotohan ng team kung sino ang strongest link at kung sino ang weakest link. Kung ikaw ang nabotong weakest link, maririnig mo ang sikat na linyang "You are the weakest link, goodbye!"

6. Battle of the Brains


Ang "Battle of the Brains" ay isa sa pinaka-sikat na quiz shows noon hosted by David Celdran. Tagisan din ng talino ito para sa mga elementary, high school at college students noon.

Sa kasikatan ng game show na ito, nagkaroon ito ng parody na pinamagatang "Battle of the Brainless" na napanood natin sa gag show na "Tropang Trumpo."

7. Kwarta o Kahon

Maaari na atang ituring na "father of all game shows" ang "Kwarta o Kahon," ang longest-running game show sa Pilipinas na hanggang ngayon ay hindi na makakalimutan ng mga Pinoy.

Ito ang naging inspirasyon sa ilan pang mga gameshows tulad ng "Laban o Bawi" at "Pera o Bayong."

8. Laban o Bawi

Napanood natin ang "Laban o Bawi" sa longest-running noontime show na Eat Bulaga sa GMA 7. Bukod sa excitement ng larong ito, tumatak din sa isip ng mga manonood ang jingle nitong... "Laban, laban o bawi, bawi!"

Sa jackpot round nito, kailangan mapagsunod-sunod ng contestant ang boxes na naglalaman ng anim na zero at isang one para mabuo at mapanalunan niya ang P1M na premyo.

9. Pera o Bayong

"Kwarta o Kahon"-inspired din ang game show na "Pera o Bayong" ng ABS-CBN noontime show na "Magandang Tanghali Bayan."

Dito natin simulang minahal ang tambalang Roderick Paulate at Amy Perez na sumikat din sa mga tanong nila tungkol sa mga scientific names.

Sa jackpot round ay pipili ang contestant ng isang bayong kasama ang pag-asang nilalaman nito ang jackpot prize.

10. Pilipinas Game K N B?

Photo from telebisyo.com

Sino ba naman ang makakalimot sa napaka-exciting na game show na ito? Sumasabay pa tayo sa pagsagot sa bawat tanong ng host na si Kris Aquino sa mga contestants at naging ringtone pa ng ilan sa atin ang jingle nito.

Maraming naging version ang show na ito katulad ng "Milyun-Milyon Na, Game KNB?", "Next Level Na, Game KNB?", at "Pasko Na, Game KNB?"

Dito nagmula ang mga expressions na "Korek!" at "May Tama Ka!" mula kay Kris Aquino at nakilala rin dito ang sikat na "Papaya Dance" mula kay Edu Manzano na naging host din ng nasabing game show.

Matagal na panahon na nga nang huli nating mapanood ang mga game shows na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natin makakalimutan ang mga ito dahil naging parte na ito ng buhay ng pamilyang Pilipino.

Alin sa mga ito ang pinaka-memorable para sayo? Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS