ARTICLE

Alin Sa Mga Roles Ni #MYXCelebVJToni Sa Pelikula Ang Pinaka-Nakarelate Ka?


Isa si MYX Celebrity VJ Toni Gonzaga sa itinuturing na "triple threat" sa industriya na ito dahil sa kakayahan niyang kumanta, mag-host at mag-perform sa stage.

Bukod sa mga kanta niya na minsan na rin naging theme song ng ilan sa atin at sa mga TV shows niyang sinusubaybayan natin, minahal din natin ang mga ginampanan niyang roles sa pelikula.

Pero alin sa mga movie roles ni Toni ang pinaka-nakarelate ka?

1. Sally Malasmas - "You Are The One"


Year 2007 nang makilala natin si Sally Malasmas – isang NSO officer na planong sundan ang kanyang pamilya sa Amerika, ngunit isang matipunong konsul na si Will Derby (Sam Milby) ang nag-deny sa pagkuha niya ng US Visa.

Sa kabila nang hindi magandang pagkikita nila nung unang pagkakataon ay nag-krus muli ang kanilang landas nang mapilitan si Sally na tulungan si Will na hanapin ang kanyang totoong magulang, at dito na nga nagsimulang mabuo ang kanilang malalim na pagtitinginan nang unti-unti nilang maramdaman na sila pala ang kukumpleto sa buhay ng isa't isa.

Panoorin ang trailer ng "You Are The One" sa ibaba:


2. Moe Santander - "You Got Me"


Si Moe – isang babaeng palaban na hindi uurong sa kahit na ano o kahit na sino na pinatunayan na kahit ganito ang ipinapakita niya sa mga nasa paligid niya, ay tao pa rin siya na umiibig, umiiyak at nasasaktan.

Ito ang pelikula na nagpapaalala sa atin lahat kung bakit tayo may kakayahang umibig para sa isang tao. Panoorin ang trailer ng "You Got Me" sa ibaba:


3. Aira Capistrano - "My Big Love"


Si Aira naman ay isang fitness trainer na tinulungang magpapayat si Macky – isang obese na chef na tinalikuran ng babaeng mahal niya dahil sa kanyang physicial appearance.

Kay Aira natin ang natutunan ang 5 steps to happiness pati na rin ang aral na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo.

Panoorin ang trailer ng "My Big Love" sa ibaba:


4. Winona Aunor - "My Only Ü"


Kung alam mo na may taning na ang buhay mo, paano mo susulitin ang natitirang oras mo sa mundong ito? Sa buhay natin, hindi natin alam kung kailan mawawala ang mga bagay na nakikita at nararamdaman natin, kasama na dito ang pag-ibig.

Si Winona, pinakita niya sa atin sa pelikulang ito ang kanyang determinasyon na matupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang sarili at para sa pamilya niya, kahit naharap man siya sa mga pagsubok sa kanyang buhay.

Pero paano nga ba ipaglaban ang pagmamahal at karapatang sumaya kung bilang na lamang ang araw ng taong mahal mo sa mundong ito?

Panoorin ang trailer ng "My Only Ü" sa ibaba:


5. Irene - "My Amnesia Girl"


Maaaring nakakalimot ang isipan, pero nakakalimutan din ba ng puso ang nararamdaman nito?

Lubos na nasaktan si Irene nang bigla siyang iniwan ni Apollo (John Lloyd Cruz). Kaya naman nang magkita ulit sila pagkatapos ng ilang taon ay tila nakalimutan na ni Irene ang lahat ng nangyari, pati na ang katauhan ni Apollo.

Kasabay ba ng pagbalik ng kanyang alaala ay ang pagbalik ng kanyang tunay na nararamdaman para sa taong mahal niya?

Panoorin ang trailer ng "My Amnesia Girl" sa ibaba:


6. Teddie - "Four Sisters And A Wedding"


Panganay sa limang magkakapatid si Teddie. Sakitin siya noong bata pa lamang siya kaya naman halos buong atensyon ng kanilang mga magulang ay nasa kanya.

Lumipad siya papuntang Spain para magtrabaho bilang isang guro ngunit isang krisis ang tumama sa bansa at isa si Teddie sa mga nawalan ng trabaho – dahilan para mamasukan siya bilang isang katulong at pagiging waitress doon.

Umuwi si Teddie sa Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ng kanilang bunsong kapatid. Ginawa nila ang lahat para pigilan ang nasabing kasal pero sa gitna ng kanilang pagpa-plano ay lumabas ang sarili nilang isyu sa kanilang pamilya.

Paano nga ba gagampanan ni Teddie ang kanyang responsibilidad bilang panganay na anak?

Panoorin ang trailer ng "Four Sisters And A Wedding" sa ibaba:


7. Ginny Gonzales - "Starting Over Again"


"Love what you have before life teaches you to love what you lost."

Estudyante pa lamang si Ginny ay meron na siyang pagtingin sa kanyang propesor na si Marco (Piolo Pascual). Ginawa niya ang lahat para makuha ang loob ni Marco kasama ang pag-asang mapapaibig din niya ito.

Tatlong taon din silang naging magka-relasyon ni Marco ngunit natuldukan ito nang bigla na lamang umalis si Ginny nang walang ibinibigay na dahilan.

Pagkatapos ng apat na taon ay nagkita muli ang dalawa at naniniwala si Ginny na may dahilan ang pagkikita nila at baka ibig sabihin pa nito ay pwede pa silang magkabalikan ni Marco, hanggang sa malaman niya na may iba nang minamahal si Marco sa katauhan ni Patty (Iza Calzado).

Ipagpipilitan mo pa rin ba ang sarili mo kahit alam mong may iba na siyang minamahal? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa isang tao?

Panoorin ang trailer ng "Starting Over Again" sa ibaba:


Huwag kalimutan panoorin ang ating MYX Celebrity VJ for July na si Toni Gonzaga sa Mellow MYX this whole week! Babasahin niya ang mga love problems ninyo at susubukan din niya kayong tulungan sa kanyang mga advice!

Alin sa mga roles na ito ni Toni ang pinaka-nakarelate ka? Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS