ARTICLE

She Believed, It Happened: MAJA SALVADOR Stages Her Sold Out Major Concert!


Dati, kumakanta lang siya sa videoke. Ngayon, nagpe-perform na siya sa concert stage!

Kagabi ay pinuno ni Maja Salvador ang Music Museum para sa kanyang major concert na "Maj: The Legal Performer" na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Ibang klase ang ipinakitang energy ni Maja mula umpisa hanggang sa matapos ang gabi. Nakasama rin niya on stage ang kanyang mga kaibigan sa industriya na sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Cacai Bautista, Enrique Gil at Piolo Pascual.






Puno rin ng sorpresa ang gabing iyon na pati si Maja mismo, nasorpresa sa kanilang duet ni Jaya na noon pa lamang ay iniidolo na niya! Pinerform ng dalawa ang medley ng mga hit songs ni Jaya katulad ng "Dahil Ba Sa Kanya" at "Wala Na Bang Pag-Ibig" na kabilang din sa album ni Maja na "Believe."


Nandoon din ang leading man ni Maja sa teleserye na "The Legal Wife" na si Jericho Rosales na sinabing siya mismo ang nagsabi kay Maja na gusto niyang maging bahagi ng concert nito.


Isang touching moment naman ang natunghayan ng lahat nang i-dedicate ni Maja ang kantang "From This Moment" para sa kanyang ina na nandoon din para sumuporta sa kanya.


At siyempre, makukumpleto ba naman ang espesyal na gabi ni Maja kung wala ang nagmamay-ari ng kanyang puso na si Gerald Anderson? Sinamahan siya ni Gerald sa stage habang pine-perform niya ang "Skyscraper" kung saan naging emosyonal si Maja.




Sa aming MYXclusive interview with Maja after the concert ay doon nai-express ni Maja ang sayang nararamdaman niya sa success ng kanyang major concert.

"Ang sarap ng pakiramdam nung nasa stage na ako. May kaba, pero bandang huli inenjoy ko na para sa kanilang lahat."

Sa mga supporters ni Maja, heto at may mensahe para sa inyo ang "The Legal Performer":

"Sobrang salamat! Salamat po sa pagtitiwala sa akin. Thank you for believing in me, na kaya kong mag-perform at maraming salamat dahil naging sold out yung Music Museum talagang pinaramdam niyo po na maraming nagmamahal sa akin."

Congratulations, Maja!

May mensahe ba kayo para kay Maja? Mag-iwan lang ng komento sa ibaba!

Comments

X

  • Maria Fhey

    posted 2 years ago

    congratz! Maja.

  • ehMJhee04

    posted 2 years ago

    Congratulations Maja!

PHOTOS

VIDEOS