ARTICLE

MAJA SALVADOR "Dream Come True" Ang Maka-Duet Si JAYA Sa Kanyang Concert!


Saturday night ay ginanap ang sold out major concert ni Maja Salvador na "Maj: The Legal Performer", isang concert na punung-puno ng mga sorpresa para sa mga fans at pati na rin kay Maja!

Isa sa mga ito ay ang sorpresang duet ni Maja kasama ang isa sa kanyang mga ultimate idols na si Jaya! Pinerform ng dalawa ang medley ng mga hit songs ni Jaya katulad ng "Dahil Ba Sa Kanya," "Laging Naroon Ka" at " Wala Na Bang Pag-Ibig" na kabilang din sa album ni Maja na "Believe."

Sa aming MYXclusive interview after the concert ay nai-share sa amin ni Maja na ang duet nila ni Jaya ay isang dream come true para sa kanya!

"Dati sa videoke ko lang siya kinakanta tapos ngayon naka-duet ko siya. Ang saya lang na yung iniidolo mo, nakasama mo mismo sa stage," sabi ni Maja.

Panoorin ang aming interview with Maja by clicking the video below:


At heto naman ang kanilang duet ng Soul Diva na si Jaya sa "Maj: The Legal Performer" concert. Click the video below to watch:


Para sa iba pa naming photos mula sa "Maj: The Legal Performer," click here. Para naman sa aming concert highlights, click here.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS