ARTICLE

Heto Ang Ilang Must-Haves Tuwing Masama Ang Panahon

Ngayong may bagyo na naman sa Pilipinas, walang masama sa pagiging handa sa mga posibleng mangyari tulad na lamang ng brownout, baha at kung ano pang natural disaster.

Sa mga ganitong pangyayari, kailangan ay meron tayong nakahandang survival kit. Ano ba dapat ang nilalaman ng isang survival kit? Heto ang listahan na maaaring makatulong sa inyo:

1. Pagkain

Siguraduhin natin na meron tayong easy-to-prepare o ready-to-eat food na kasyang kasya na for 3-4 days.

2. Tubig

Kaya nating tiisin ang gutom, pero hindi pwedeng wala tayong intake ng tubig. Siguraduhin na marami tayong bottled water para sa buong pamilya na good for 5-7 days.

3. First Aid Kit

Kumpleto dapat ang mga basic na gamot natin tulad ng antibiotics, anti-allergy, sakit sa ulo, sakit ng tiyan, at iba pa. Importante rin na meron tayong mosquito repellent para maiwasan ang posibleng kaso ng Dengue. Maglagay din ng sapat na band-aid at alcohol.

4. Damit

Kailangan marami tayong baon na damit para kung sakaling mabasa man tayo ng ulan ay hindi tayo matuyuan at posibleng magkasakit dahil dito. Make sure na meron tayong jacket, medyas at makakapal na damit para ma-protektahan tayo sa lamig.

5. Flashlight

Ito ang importante lalo na kapag nawalan na tayo ng kuryente. Kakabit ng flashlight natin ay ang sapat na stock na rin ng mga batteries. Pwede rin tayo magdala ng kandila just in case na maubusan tayo ng mga baterya.

6. Toiletries

Bukod sa mga sabon, toothpaste at tissue paper, importante rin ang maraming sanitary napkins at diapers para sa mga kababaihan at mga bata.

7. Fully-charged Mobile Phones

Makakatulong ang ating mobile phones sa paghingi natin ng tulong o kahit sa pagkalat ng impormasyon para sa mga nangangailangan ng tulong. Siguraduhin na fully-charged ang ating mga mobile phones kung sakaling mawalan man ng kuryente.

8. Whistle

Malaking tulong din ang whistle lalo na kung nangangailangan ka ng tulong para hindi mahirapan ang mga rescuers.


Mag-ingat po tayong lahat!

Comments

X

  • Mhel Faye

    posted 2 years ago

    Like like like :))))

PHOTOS

VIDEOS