ARTICLE

Instagram: Then And Now – Anong Paborito Mong Hashtag?

 

Dati, okay na tayo sa simpleng call-and-text na cellphone. Ngayon, ang ilan sa atin ay hindi na agad mapakali kapag nawalan ng signal o ng baterya ang ating mga smartphones. Kasi nga naman, hindi natin mache-check kung anong bago sa Facebook, Twitter at Instagram.

With the rapid evolution of social media, we decided to share with you some observations on one of today's most-used social networking sites: Instagram.

Noon, Instagram, as some people say, was a place for "amateur photographers," a place to share some of our unforgettable moments through photos. Picture dito, picture doon, konting edit, tapos upload. 

Sa paglipas ng panahon, andyan na ang mga photo-editing apps to enhance our photos at andyan na rin ang mga hashtags.

#ootd o outfit of the day para sa mga fashionista ng Instagram, #foodporn para sa mga "foodies," #nofilter para sa mga naka-sakto sa isang magandang moment, at ang pinaka-gamit na gamit ata na hashtag, ang #selfie na para sa mga mahilig kumuha ng sarili nilang picture.

Bukod sa mga kilalang hashtags na ito, andyan din yung mga mahahabang hashtag na minsan yung iba, hindi na masyadong konektado sa ipinost mong picture.

Ang YouTube channel na Tripp and Tyler ay nag-upload ng isang video na pinamagatang "Selfies Anonymous." Sa nasabing video ay idinidiscuss ng isang grupo ang kanilang pagiging "selfie-holic" at ang mga photos at hashtags na madalas nilang i-share sa Instagram.

Panoorin ang video na ito sa ibaba:


Ano nga ba ang dapat at hindi dapat i-post sa Instagram?

Anpng masasabi niyo dito? Mag-iwan ng inyong komento at opinyon sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS