ARTICLE

LYCA GAIRANOD Itinanghal Na "The Voice Kids Philippines" Grand Champion!

Photo from The Voice Kids Philippines

Ngayong gabi ay pinangalanan na ang kauna-unahang grand champion ng singing competition ng ABS-CBN na "The Voice Kids Philippines"!

Matapos ang madugong labanan sa grand finale ng kumpetisyon ay itinanghal na grand champion si Lyca Gairanod ng Team Sarah!

Binansagang "Lyca Superstar," noong blind auditions pa lamang ay pinahanga na ni Lyca ang mga coaches at ang mga manonood ng kantahin niya ang "Halik" ng OPM rock band na Aegis.

Sa unang gabi ng grand finale ay pinerform ni Lyca ang "Narito Ako" ni Regine Velasquez-Alcasid para sa power ballad round at ang "Call Me Maybe" naman ni Carly Rae Jepsen para sa upbeat round.

Sa pangalawang gabi naman ay nakasama niya ang bandang Aegis sa kanyang performance ng kantang "Basang-Basa Sa Ulan."

Ang panalong ito ni Lyca ay simula pa lamang ng kanyang pagtupad sa kanyang mga pangarap at sa kanyang very young age ay siguradong malayo talaga ang mararating ni Lyca sa OPM scene!

Congratulations to The Voice Kids Philippines grand champion, Lyca Gairanod!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS