ARTICLE

#ThrowbackThursday: Balikan Natin Ang Winning Moment Ni JAMES REID Sa Pinoy Big Brother!

Photo from James Reid's Instagram account.

Four years ago ay nakilala natin ang tinaguriang "Dashing Dude ng Australia" na si James Reid nang maging isa siya sa mga housemates ng reality competition ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010"!

Noon palang ay marami na talaga ang nabighani sa charming looks ni James. Pilipit man ang kanyang Tagalog noon ay nakita rin ng mga manonood ang kagustuhan niyang matutunan ang ating lenggwahe kaya naman madali rin talagang napamahal sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataang Pinoy itong si James Reid!

Dahil #ThrowbackThursday ngayon, balikan natin ang winning moment ni James sa Pinoy Big Brother noong 2010! I-click niyo lang ang video na ito!

From YouTube user bhaby quoh

Malayo na nga ang naabot ni James after his win sa PBB. Four years later, nakapag-release na siya ng kanyang album at bumida na rin siya sa dalawang pelikula ngayong 2014 na "Diary Ng Panget" at ang "Talk Back And You're Dead"! Siguradong marami pa tayong aabangan na projects from James in the near future - mapa-TV, pelikula o sa recording scene!

Speaking of "Talk Back And You're Dead," kasalukuyang nasa No. 3 spot ng MYX Daily Top Ten ang "Bahala Na" nina James at Nadine Lustre na kabilang sa soundtrack ng nasabing pelikula!

Napanood niyo na ba ang "Talk Back And You're Dead"? Palabas na yan sa mga sinehan na malapit sa inyo!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS