ARTICLE

Sinong Showbiz Couple Kaya Ang Makakasama Ng RIVERMAYA Sa Kanilang Upcoming Music Video?


May idea na ba kayo kung sinong showbiz couple ang tinutukoy namin?

Bumisita ang MYXph.com sa set ng music video shoot ng bandang Rivermaya para sa kanilang bagong single na "Tayo Lang Dalawa" at doon ay napag-alaman namin na makakasama nila sa nasabing music video ang showbiz couple na sina...


Dingdong Dantes at Marian Rivera!

After a very long time nga ay nabigyan muli ng pagkakataon ang tinaguriang Royal Couple na sina Marian at Dingdong na makatrabaho muli ang isa't isa, this time, sa isang music video!

Sa aming MYXclusive interview with Rivermaya, nai-share nila sa amin na very thankful sila na makasama ang DongYan dito sa music video para sa kanilang third single from their latest album na "Panatang Makabanda."

"First few stages nung planning para sa music video, sila (Dingdong and Marian) pa mismo yung nagfa-follow up eh, 'O kailan na yung music video? Excited na kami!'," sabi ng gitarista na si Mark Escueta.

Dagdag pa niya, "Inoffer namin kay Dingdong na siya ang mag-direk nung video pero at that time medyo mabigat yung schedule niya."

Nagbigay rin ng hint ang banda kung anong klaseng concept ba ang mapapanood ng kanilang mga fans sa kanilang upcoming music video. Isa raw itong tribute para sa mga super couples na kilala natin sa mga pelikula at pati na rin sa totoong buhay.

Gusto niyo ba ng konting patikim sa "Tayo Lang Dalawa" music video ng Rivermaya? Tingnan ang ilan sa aming behind-the-scenes photos sa ibaba!




Abangan ang music video ng Rivermaya para sa "Tayo Lang Dalawa" sa MYX channel on cable SOON!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS