ARTICLE

YENG CONSTANTINO's New Music Video Gives Everyone Hope That True Love Really Exists!


Marami sa atin ang nagmahal, nasaktan, at ayaw na muling maniwala sa salitang "love."

Pero ano man ang dahilan ng sakit sa ating puso, wag natin kalimutan na hindi pare-pareho ang bawat tao, na hindi lahat ng makikilala natin ay iiwan at sasaktan tayo. Somewhere out there, andun ang taong para talaga sa iyo, hinihintay ang perfect timing na ginawa ng Diyos para sa inyong dalawa.

Last Saturday ay napanood niyo dito sa MYX ang music video ng Pop Rock Princess na si Yeng Constantino para sa kanyang pinakabagong single na "Ikaw."

Marami sa atin ang natuwa, naiyak at nainspire sa nasabing music video kung saan nakasama ni Yeng ang kanyang fiancé na si Yan Asuncion.

Kung hindi ka na naniniwala sa true love, kapag napanood mo ang music video na ito ay siguradong mababago ang pananaw mo tungkol sa tunay na pagmamahal. Kung hindi mo pa ito napapanood, i-click na ang play button sa ibaba para sa "Ikaw" ni Yeng Constantino:


Hindi natin kailangan madaliin ang mga bagay sa buhay natin. Palagi natin tatandaan na may perfect timing ang lahat ng ito. In the end, maiintindihan din natin kung bakit natin kailangan pagdaanan ang mga hirap at sakit na naranasan natin sa buhay.

True love waits. And yes, it really exists. Isang araw ay makikilala mo rin ang "Ikaw" ng buhay mo. :)

Anong paborito mong linya mula sa "Ikaw" ni Yeng Constantino? Share niyo sa amin! Mag-iwan lang ng komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS