ARTICLE

KLARISSE DE GUZMAN Successfully Stages Her First Concert!


Despite the heavy payday-Friday traffic ay dumalo pa rin ang family, friends and fans ni Klarisse De Guzman sa kanyang first mini-concert na ginanap sa Teatrino!

More than 2 hours of exceptional singing ang ipinakita ng The Voice of the Philippines finalist na si Klarisse, who sang different genres to prove her versatility. Mapa-R&B, pop, or even rock ay kayang-kaya talaga niyang i-perform!

Sinamahan din siya ng kanyang mga special guests na sina Nyoy Volante, Paolo Onesa ng The Voice of the Philippines, at si Juan Karlos Labajo ng The Voice Kids.




Binalikan din ni Klarisse ang kanyang Star For A Night days kung saan naikwento niya na ang unang binili raw niya gamit ang kanyang premyo sa nasabing singing competition ay isang drum set. Ayon kay Klarisse, mahilig daw kasi siyang mag-drums noong bata pa lamang siya dahil na rin sa hilig niyang makinig sa mga banda.


At one point ay naging emosyonal din si Klarisse nang i-perform niya ang kantang "Maghintay Ka Lamang." Kwento ni Klarisse, kahit daw noong rehearsals pa lamang ay hindi raw talaga niya ito makanta ng maayos dahil hindi raw niya mapigilang maiyak sa mensahe ng kanta.

Ito raw kasi ang naging theme song niya nang matutunan niyang maghintay para sa kanyang big break sa music industry.

Ngayon, isa na si Klarisse sa mga singers na dapat talagang abangan dito sa industriya. With her amazing voice and exceptional talent, siguradong malayo talaga ang mararating ni Klarisse bilang isang singer.

Para sa aming MYXclusive photos mula sa concert ni Klarisse, click here!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS