ARTICLE

Himig Handog 2014 Entry #2: "Walang Basagan Ng Trip" By JUGS And TEDDY


Gaya nga ng aming nabanggit ay over the next days ay bibigyan namin kayo ng closer look sa ating mga entries for this year's Himig Handog P-Pop Love Songs!

Sinimulan natin yan kahapon with "Simpleng Tulad Mo" by Daniel Padilla na nakapasok na rin today sa MYX Daily Top Ten!

This time, mag rak en rol naman tayo with "Walang Basagan Ng Trip" interpreted by Jugs and Teddy!

Ang "Walang Basagan Ng Trip" ay isinulat at nai-compose ni Eric De Leon. Ayon kay Eric, perfect fit daw ang tandem nila Jugs and Teddy para sa kanyang entry na ito.

Kung di mo trip ang mga nakikita mo, wag mo na lang tingnan. Kung di mo trip ang naririnig mo, wag mo na lang pakinggan. Kung hindi mo trip ang mga gusto niya sa buhay, walang basagan ng trip dahil kanya-kanyang trip lang yan!

Heto ang ilang screen captures mula sa music video ng "Walang Basagan Ng Trip"!









Panoorin ang "Walang Basagan Ng Trip" by clicking the video below:


"Walang Basagan Ng Trip"

Interpreted by: Jugs and Teddy
Words and Music by: Eric De Leon
Music Video by: Miriam College

Kung gusto niyong makita sa MYX charts ang "Walang Basagan Ng Trip," pwede niyo itong iboto dito sa MYXph.com! Mag-register, i-verify ang inyong e-mail at i-type lang ang: Walang Basagan Ng Trip - Jugs and Teddy sa aming online voting poll at the right side of your screen on our homepage!

The Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 Finals Night is happening on September 28, 2014 sa Araneta Coliseum! Ticket prices are as follows: 

Patron A - P2,499
Patron B - P1,999
Box - P1,399
Upper Box - P999
Gen Ad - P400

Available na rin Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 album sa lahat ng leading record bars nationwide!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

  • Kathrynpadilla

    posted 2 years ago

    simpleng tulad mo

PHOTOS

VIDEOS