ARTICLE

Anong Salita Ang Pwede Niyong Mabuo Sa Mga Pangalang RICO, GLOC at YENG?


Isang powerhouse concert na magaganap ngayong November ang pagsasamahan ng tatlong malalaking OPM artists na sina Rico Blanco, Gloc-9 at Yeng Constantino!

Pinamagatang "ICON: The Concert," ito ang unang pagkakataon na magsasanib-pwersa ang tatlong pangalan na ito sa isang concert stage!

"Lagi kong sinasabi na wala talaga sa plano kong magkaroon ng concert, pero nung narinig ko ang pangalang Rico Blanco at Yeng Constantino, sabi ko 'Yes, yes, yes!'," kwento ni Gloc-9 sa aming MYXclusive interview during their concert pictorial Tuesday afternoon.

Nang tanungin namin ang tatlo kung bakit "ICON" ang magiging titulo ng kanilang concert, "Ni-lineup lang nila (management) yung mga names namin, sobrang creative," sabi ni Gloc-9. (Nabuo ang salitang ICON sa pangalan nilang tatlo: rICo, glOc, yeNg)

Sinisigurado nina Gloc, Yeng at Rico na mag-eenjoy ang kanilang mga fans sa nasabing concert. "Unforgettable concert po ito para sa inyong lahat at sobrang excited po talaga ako na maka-collaborate sa show na ito si Rico at si Gloc," sabi naman ni Yeng.

Panoorin ang aming interview with Rico, Gloc-9 and Yeng by clicking the video below:


Abangan ang "ICON: The Concert" featuring Rico Blanco, Gloc-9 at Yeng Constantino sa November 21 at the Araneta Coliseum! Stay tuned for more details!

Anong masasabi niyo sa concert collaboration na ito? Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

  • annatot

    posted 2 years ago

    iloveyou yengko <3

  • iamjoydula@gmail.com

    posted 2 years ago

    astig

  • SAISUKE CHU

    posted 2 years ago

    RicLoYeng :)

  • john_mark

    posted 2 years ago

    GloRiYeng

PHOTOS

VIDEOS