ARTICLE

Himig Handog 2014 Entry #4: "Pare Mahal Mo Raw Ako" By MICHAEL PANGILINAN


Controversial man ang tema ng ating Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 entry for today, siguradong meron sa inyo ang minsan na ring naranasan ang ganito.

Nagbabalik this year ang songwriter na si Joven Tan na siyang nag-uwi ng grand prize last year for "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" interpreted by Aiza Seguerra. Ngayon, heto siya muli with another potential hit song, ang "Pare Mahal Mo Raw Ako."

Ang "Pare Mahal Mo Raw Ako" na ininterpret ni Michael Pangilinan ay kwento ng isang lalaking nalaman na may pagtingin sa kanya ang kanyang kapwa-lalaki na itinuturing niyang isang kaibigan.

"Hindi ako iiwas, hindi lalayo sayo. Pare, pag-usapan natin ito. Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo."

Heto ang ilang screen captures mula sa music video ng "Pare Mahal Mo Raw Ako."






Panoorin ang "Pare Mahal Mo Raw Ako" by clicking the video below:


"Pare Mahal Mo Raw Ako"

Interpreted by: Michael Pangilinan
Words and Music by: Joven Tan
Music Video by: University of the Philippines

Kung gusto niyong makita sa MYX charts ang "Pare Mahal Mo Raw Ako," pwede niyo itong iboto dito sa MYXph.com! Mag-register, i-verify ang inyong e-mail at i-type lang ang: Pare Mahal Mo Raw Ako - Michael Pangilinan sa aming online voting poll at the right side of your screen on our homepage!

The Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 Finals Night is happening on September 28, 2014 sa Araneta Coliseum! Ticket prices are as follows: 

Patron A - P2,499
Patron B - P1,999
Box - P1,399
Upper Box - P999
Gen Ad - P400

Available na rin ang Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 album sa lahat ng leading record bars nationwide!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

  • techieabergas

    posted 2 years ago

    Nice song, interpreted well. Ang love song ng kanta kahit na alam mong iba ung tema sa nakasanayan still, worth it syang maging list ng song mo. He can sing, talent is knocking out loud. Hope one day he can be as big as his dream. Keep singing Michael.

PHOTOS

VIDEOS