ARTICLE

MYX Mo! 2011: Lahat Ng Kailangan Mong Malaman!




Kailan at saan ang MYX Mo! 2011?

Ang MYX Mo! 2011 ay gaganapin sa November 24, 2011, 6PM sa Marikina Sports Park

Libre ba ang MYX Mo! 2011?

Libre ang MYX Mo! 2011! Wala kang kailangang bayaran para makisaya! Pero kailangan may ticket ka para makapasok. No ticket, no entry.

Paano ako makakakuha ng ticket?

Kailangan mong pumila mula November 16-23, 2011 sa ABS-CBN Audience Entrance sa Eugenio Lopez Drive, Diliman, Quezon City, mula 10AM hanggang 5PM at sa November 24 mula 10AM to 12 ng tanghali.

Paano ako makakakuha ng VIP ticket?

Ang mga magkakaroon ng VIP ticket ay ang mga nanalo sa MYX Magazine Facebook contest kung saan magpapa-picture sila hawak ang isang kopya ng MYX Magazine na si Somedaydream ang cover. 

Sa parehong oras din makukuha ng mga VIP winners ang kanilang tickets. 

Paano ba pumunta sa Marikina Sports Park?

Kung ikaw ay galing sa mga lugar sa South gaya ng Makati, Muntinlupa, Paranaque or kaya sa Laguna, Cavite at Batangas, sumakay ka ng bus patungong SM North, Monumento, Novaliches o Fairview na may karatulang Cubao-Ibabaw. Pwede ka rin sumakay ng MRT. Bumaba ka sa Cubao at maglakad patungong Aurora Boulevard. May sakayan ng jeep o FX papuntang SSS Village, Calumpang o Parang-Fortune at bumaba ka sa Marikina Sports Park.

Sa mga taga-Malabon, Novaliches, Quezon City, Bulacan, Caloocan, Navotas, Valenzuela, Pampanga, Tarlac, Olongapo at sa iba pang mga lugar sa bandang Norte, sumakay kayo ng bus pa-Baclaran, Alabang o Ayala na may karatulang Cubao-Ibabaw. Pwede ka rin mag-MRT mula sa North Avenue. Baba ka ng Cubao at pumunta rin sa Aurora Boulevard at sumakay ng jeep o FX papuntang SSS Village, Calumpang o Parang-Fortune at bumaba sa Marikina Sports Park.

Sa mga taga-Maynila, sumakay patunong Cubao at gawin din ang mga nakasaad sa taas. Pwede ka rin sumakay ng LRT at MRT at lumipat sa LRT 2. Pwede kang bumaba ng Katipunan station at sakyan ang mga jeep katulad ng nakalista sa taas.

Sino-sino ba ang tutugtog sa MYX Mo! 2011?

Siguradong tutugtog ang mga ito sa MYX Mo! 2011!

BBS

SPONGE COLA

ITCHYWORMS

TANYA MARKOVA

EBE DANCEL 

RICO BLANCO

GENERAL LUNA

SITTI

ROCKSTEDDY

JAY-R/ CHELO/ Q-YORK

CALLALILY

KISS JANE

KAMIKAZEE

SANDWICH

CHICOSCI

WOLFGANG

PUPIL

SOMEDAYDREAM

PEDICAB

GLOC-9

SLAPSHOCK

MARIE DIGBY

QUEST

OPERA BELLES

MOBBSTARR

6CYCLEMIND


Paano ako makakapanood ng MYX Mo! kung hindi ako makakapunta?

Kahit nasaan ka man sa Pilipinas o sa buong mundo, mapapanood mo ang MYX Mo! 2011 gamit ang LIVESTREAMING sa MYXPH.com!

Mapapanood mo ang mga astig na performances, mga exclusive na interview at ang mga kulitan ng mga paborito mong music artists! Pwede pa silang makipag-chat sa inyo! 

Makikita mo lahat ng mga latest update tungkol sa MYX Mo! agad-agad sa MYXPH.com kaya tumutok ka sa NOVEMBER 24, 2011 4PM (Philippine Time) para makipag-chat, manood at makibahagi sa MYX Mo! 2011 saan ka man sa mundo!


Mga kailangan mong tandaan sa MYX Mo! 2011:

  • Mga batang 6 years old pababa o mga mas maliit pa sa 4 feet ang laki ay hindi papayagang makapasok sa MYX Mo! 
  • Ang mga batang 7 hanggang 13 years old ay kailangang may kasamang nakatatanda para papasukin sa MYX Mo!
  • Ang sinumang may sakit o buntis ay hindi papayagang makapasok dahil maari silang mahirapang makakilos kung sakaling magkaroon ng di inaasahang kaganapan o emergency.
  • Bawal magdala ng mga armas, mga bagay na may matutulis na dulo, mga may blade, laser, baril, kutsilyo o balisong, at lighter o posporo.
  • Bawal magdala ng kahit anong pagkain o inumin.
  • Bawal ang mga professional video at still camera.
  • Bawal manigarilyo.
  • Ang Security Team ng MYX Mo! ay may karapatang hindi magpapasok ng kahit sinong nasa impluwensya alak o bawal na gamot, o kung sinumang makakasagabal sa maayos na takbo ng programa. 

I-TREND NATIN ANG MYX MO! 2011 SA INTERNET!

Gamitin ang hashtag na #MYXMO2011 sa lahat ng ating mga posts!

LOG ON, ROCK ON!

KITA-KITS TAYO!

Comments

X

  • russl3141

    posted 5 years ago

    kita kits mabng barka da

  • maniackis

    posted 5 years ago

    kita kits mamaya ! \m/

  • paolorovira

    posted 5 years ago

    love q myx ko kaya punta na kau sa marikina sport complw=ex mamaya . .go go.

  • Akoaypogi

    posted 5 years ago

    Pano pumunta ng Marikina Sports Park galing Katipunan??Pm me ASAP

  • Akoaypogi

    posted 5 years ago

    Pwede bang nka tsinelas :) Reply ASAP!!

PHOTOS

VIDEOS