ARTICLE

MYX Mo! 2011: Ilang Importanteng Paalala!




Mga batang 6 na taong gulang pababa o mga mas maliit pa sa 4 feet ang taas ay hindi papayagang makapasok sa MYX Mo!


Kinakailangang may kasamang nakatatanda ang mga batang 7 hanggang 13 taong gulang para papasukin sa MYX Mo!


Paalala lamang na hindi pahihintulutang dumalo ang sinumang may sakit o 'di kaya'y buntis dahil maaari silang mahirapang makakilos kung sakaling may maganap na 'di inaasahang kaguluhan o emergency. 



Ilan pang mahalagang bagay na dapat tandaan para sa MYX Mo! 2011:


Mahigpit na pinagbabawal ang pagdala ng kahit anong armas, mga bagay na may matutulis na dulo, mga may blade, baril, kutsilyo o balisong, at lighter.


Bawal magdala ng kahit anong pagkain at inumin.


Bawal gumamit ng mga professional video at still camera.


Bawal manigarilyo.


Ang Security Team ng MYX Mo! ay may karapatang hindi magpapasok ng kahit sinong nasa impluwensya ng alak o bawal na gamot, o kung sinumang maaaring makasagabal sa maayos na takbo ng programa sa Huwebes.



GAWIN NATING TRENDING ANG MYX MO! 2011!


Gamitin ang hashtag na #MYXMO2011 sa lahat ng ating posts at updates!


LOG ON, ROCK ON!


Comments

X

  • silence_19@

    posted 5 years ago

    oo pde nyan... :)))

  • julianna30

    posted 5 years ago

    #MYXMO2011 pde po ba magdala ng payong? at skyflakes pantawid gutom kasi mahirap bumalik sa dating pwesto kapag lumabas ng gate xD ?

  • MYXPhilippines

    posted 5 years ago

    @zuara21 Tickets are free! Punta lang po sa ABS-CBN Audience Entrance, today (10AM-5PM), and tomorrow (10AM-12NN).

    @ghed For all MYX Mo! 2011 inquiries and concerns, check this link: http://www.myxph.com/features/2063/myx-mo-2011-lahat-ng-kailangan-mong-malaman/

  • ghed

    posted 5 years ago

    saan po gganapin ang myx mo 20011 and were can i have a ticket plz plz rply a.s.a.p

  • rasec0303

    posted 5 years ago

    cant wait for the event

PHOTOS

VIDEOS