ARTICLE

Panayam sa Co-Creator ng Jonah Hex


Nakausap ng MYXph ang Co-Creator ng comic book na "Jonah Hex" sa nakaraang Komikon 2011 kung saan pinarangalan siya bilang isa sa mga matagumpay at batikang komikero sa bansa. Isa siya sa mga naunang nakapasok sa malalaking publishing companies ng komiks sa Estados Unidos.

Narito ang aming panayam kay Tony de Zu±iga kung saan napag-usapan ang kasalukuyang estado ng industriya sa bansa, ang reaksyon niya sa pelikulang Jonah Hex, at ang opinyon niya sa digital comics.


MYXph: Ano'ng masasabi niyo sa current state ng comic book industry?
Tony de Zu±iga: So far, wala akong nakikitang malaking publisher ng [komiks] pero meron akong nakikitang mga local na trabaho ng mga artists tsaka writers dito. Na-impress ako dahil, although iba na ang generation ngayon kesa nung nag-umpisa kami... mahusay, maganda. Kelangan lang siguro i-polish nila ang storytelling, yun lang. Pero other than that, ok.

MYXph: Ano opinyon niyo sa digital evolution ng comic book production, from illustration to inking tsaka 3D art?
TDZ: Well, yeah, dati... nung araw wala kami niyan. Mano-mano yan nung araw, wala pang computer nun, pero ang ganda ng improvement ngayon, parang pampelikula. Naku, na-impress ako talaga.

MYXph: Na-try niyo na ba yung digital inking?
TDZ: Yes, sa Dark Horse. Gumagawa ako ng mga pin-up ng Conan ngayon eh. Sila, kinukulayan nila, pero tinatanong ako kung di ako marunong. Sabi ko, naku, masisira lang, kayo na lang. Mahusay, yung mga nagkukulay.


MYXph: Anong stage sa paggawa ng komiks ang paborito niyo?
TDZ: Yung tinatawag nilang breakdown. Yun, babasahin mo yung plot tapos ido-drawing mo na, lapis, yung pictures. Kaya yun ang sinasabi ko, kelangan malinaw ang storytelling, puwede kang mag-dagdag, puwede kang mag-bawas, ganun.

MYXph: Napanood niyo ba yung film adaptation ng Jonah Hex?
TDZ: Oo, napanood ko.
MYXph: Nagustuhan niyo ba?
TDZ: Ok naman, kasi nandoon na ang ingredients ng action movie. Maraming action, pero, komo ako ang nag-design ng character, cowboy yun. Wala, lumayo eh. Kung anu-ano pinaglalalagay nila, parang fantasy na...
MYXph: Ginawa nilang contemporary...
TDZ: Yes, parang ganun eh. Hindi cowboy eh.

MYXph: Nag-consult ba sila sa'yo before or during filming?
TDZ: Hindi nga eh. Nung tinanong ako, huli na. Pinapupunta ako sa set, sa New Orleans. Eh, di ka naman basta-basta makakaalis eh. Yun ang nangyari. Kaya nung ready ako, sabi ko, "Ano, gusto niyo pang magpunta ako?" Hindi na, tinapos na nila. Ayun ang nangyari.

MYXph: Pano po ba ang creative process niyo sa paggawa ng character?
TDZ: Mahabang istorya yan. Kasi iyan, nun,  merong taon na ang DC, lahat ng title ng libro nila, may "weird," kaya alam ko na agad nung sinabi sa'kin na gumawa ka ng character na cowboy pero lalagay namin "Weird Western." Meron akong ginagawa dun, yung "Billy the Kid"... pero alam ko na kung anong itsura ng concept, kasi weird eh, so andami kong ginawa. Tuwing pupunta, titingnan ko, mali. HIndi mukhang bida eh, mukhang monster, pero tanong sila nang tanong kung yari na ba, sabi ko, "Oo, oo."

Punta ako ng doktor. Yung mga doktor sa Amerika, maraming chart, ta's yun binibigay lang sa kanila ng mga drug companies yun kaya ang gaganda. Kita ko kung anu-ano, merong nervous system... pero puro kalahati. Naisip ko, pag ginawa kong kalahati lang yung may deperensiya, yung kalahati normal, it's gonna work. In-assemble ko na, yung mga sketch ko inipon ko. Yun, gustong-gusto na nila. Sabi "Huwag mo nang gagalawin yan."

Tony de Zu±iga pinarangalan sa Komikon 2011 kasama ang kapwa komikerong sina Gerry Alanguilan ("Elmer") at Carlo Vergara ("ZsaZsa Zaturnnah." Not in the photo)

MYXph: Nabanggit niyo na paborito niyong character si Thor. Napanood niyo na ba yung recent film adaptation nito? Nagustuhan niya ba?
TDZ: Okay naman. Alam mo naman kapag action movie, maraming putukan...

MYXph: Ano advise niyo sa mga aspiring komikero?
TDZ: Maski anong husay mag-drawing, it's not always through the pictures ang comics eh. There should be a very good, clear story. Marami kang magagawa eh, kapag alam mo yun. Puwede kang mag-umpisa sa huli, flashback ka pabalik. Ganun din naman, ginagawa na nila yan eh, noon pa. Kaya lang, kelangan malinaw. Kahit hindi mo basahin, titingnan mo lang ang pictures, alam mo na. Parang silent movie.

Comments

X

  • teckie

    posted 5 years ago

    I got a chance to see him draw at Vinyl+Splash at FullyBooked. Galing galing niya talaga. :D Same rin ke Sir Gerry.

PHOTOS

VIDEOS