ARTICLE

Singer Kean Cipriano Says Acting Is One Of The Best Jobs In The World


Naging daan ang pelikulang The Reunion upang maging mga kaibigan ni Kean Cipriano ang mga co-stars na sina Enchong Dee, Enrique Gil at Xian Lim. Dagdag pa niya, isang masayang experience ang project dahil baguhan pa lang ang singer sa larangan ng pag-arte. ôSabi ko nga kay Enrique last time, para kaming pumapasok ng school. Pumupunta kami doÆn para mangulit. At the same time, gagawin mo æyung kelangan mong gawin, may teacher ka, æyung direktor (na) si Direk Frasco Mortiz. Maganda siyang experience at excited na ako na matapos and IÆm sure in behalf of The Reunion team, excited na kaming lumabas æyon.ö

Wala rin daw isyu pagdating sa bigat ng role dahil barkada movie naman ang kanilang proyekto. ôItÆs a barkada movie so alam mo æyon, kung barkada movie æyan, merong ibat-ibang characters æyan. æYung isa ædi mo makilala nang buo kung wala ang isa. æYung character ni Xian konektado sa character ko, æyung character ko konektado sa character ni Enchong at ni Enrique. I think we work as a team.ö

Kabilang si Kean sa mga music artists na nakatawid sa larangan ng pag-arte at aniya, masyado nga niyang nae-enjoy ang bagong mundong ito.

ôLagi naman akong thankful, I feel so blessed na binigyan ako ng mga TV projects na kung anuman na dumating na movies lalo na sa (Ang Babae sa) Sceptic Tank. Napakalaki ng utang ko dun sa Sceptic Tank, sa direktor, sa buong team. Parang dun ako namulat na, æUy, ang sarap nito ah!Æ Nae-enjoy ko siya. Nung una, trabaho siya, oo trabaho siya pero itÆs one of the best jobs in the world, you get paid for waiting, you get paid for eating.ö

Inaasahang matatapos na sa mga susunod na araw ang The Reunion dahil balak ni Kean na bumalik muli sa paggawa ng musika kasama ang kanyang banda na Callalily. Sa buong buwan daw ng Hunyo ay ang paggawa ng album ang kanyang aatupagin para naman ihandog sa kanilang fans.

Sinagot din ni Kean ang isyung pagbibiro niya minsan sa isang interview na tinawag umano niyang ôMrs. Ciprianoö si Yeng Constantino, kaya naman inisip ng iba na may something romantic na nangyayari sa dalawa. Pero paglilinaw ni Kean, isa lang daw iyong pick up line sa ginawa niyang performance. Nag-meet daw kasi ang wavelength nila ni Yeng sa pagpe-perform pero wala namang romantic. Dagdag pa niya, hindi niya nililigawan si Yeng.


Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS