ARTICLE

Tapos na ang NBA Finals! MYX 3 on 3 naman mamayang 6PM!


Natapos na ang NBA Finals kahapon nang manalo ang Miami Heat laban sa Oklahoma City Thunder. Nakamit na ni Lebron James ang kanyang unang kampeonato, pati na din ang Finals MVP trophy. Panahon na ngayon ng ating mga local musicians magpakitang-gilas sa basketball!

MYX 3on 3 na naman mamaya! Ito ang ka-isa-isang programa sa telebisyon na nagtatampok ng galing ng mga Pilipinong musiko sa isports. Panoorin ang laban ng Yellow Team at Blue Team mamayang alas-sais ng gabi sa MYX! Samahan ang inyong makukulit na commentators na sina VJ Chino at Calde Calderon sa kanilang play-by-play analysis.


Ang koponan ng Yellow ay binubuo nina Young JV, Tutti Caringal, Mong Alcaraz at Lem Belaro. 


Nasa panig naman ng Blue sina Wendel Garcia, Pochoy Labog, Chi Evora at si Yani Yuzon.

Panoorin ang kanilang sagupaan mamayang alas-sais sa MYX channel! Silipin ang mga umaatikabong aksyon mula sa laro dito

Comments

X

  • arren

    posted 4 years ago

    go go go yellow team XD

  • kirenaj

    posted 4 years ago

    YELLOW Team :))))))))))))

PHOTOS

VIDEOS