ARTICLE

MAULAN NA PANAHON? May tips sa inyo si Enzo ng bandang Eevee


Tayo'y nakakaranas pa rin ng mga pag-ulan ngayong nasa kalagitnaan tayo ng "rainy season". Mainam na maging handa sa bawat sitwasyon lalo na't pa-bago-bago ang panahon. 

Natanong namin ang bokalista ng bandang Eevee na si Enzo Villegas kung ano para sa kanya ang Top 5 na mga bagay na dapat mayroon ka sa panahong ma-ulan. Para sa kanya, mainam na meron kang "Survival Kit" na tinatawag na talaga namang makakatulong lalo na sa kasagsagan ng mga bagyo o anumang sakuna. Lumabas din ang pagka-pilyo nitong si Enzo nang kanyang isali sa listahan ang "dapat may ka-hug" sa ganitong panahong malamig ang klima. Alamin ang iba pa niyang sagot sa bidyo sa ibaba.

Ang Eevee ay ang bandang nasa likod ng mga awiting "Gusto Ko Lang Ng Girlfriend", "Waiter" at "Ang Sarap Maging Single". Sila ay tubong Davao at nakilala sa industriya mula nang manalo sa isang college band competition noong 2009.

Abangan ang iba pang panayam sa mga local OPM artists mula sa MYXPH.COM

Comments

X

  • PAW2X

    posted 4 years ago

    "dapat may ka hug" pag umuulan (LIKE) hahahahahaha

  • shannel toledo

    posted 4 years ago

    really hate rainy days!!!
    :(

PHOTOS

VIDEOS