ARTICLE

Si Chris Padilla ng Hilera at ang kanyang Bayani! Para sa IYO, ano ang katangian ng isang BAYANI?


Sa pag-gunita natin sa National Heroes' Day, ninais naming malaman ang saloobin ng ating mga musikong Pilipino ukol sa paksang kabayanihan. Mapalad kaming pina-unlakan ng panayam ni Chris Padilla, miyembro ng lokal na alternative rock band na Hilera; at ito ang kanyang masasabi tungkol sa kalidad ng isang bayani:

  "Ang isang bayani ay unang-una, marunong manindigan. Importante may paninidigan. 'Yun lang naman e. 'Pag may paninindigan ka lahat ng magagandang quality o lahat ng magandang characteristic ng isang tao susunod na yun eh."

Tungkol naman sa kung sino sa palagay niya ang taong naka-impluwensya sa kanya sa larangan ng musika, itinuturing niya ang Pinoy Rock & Roll living legend na si Pepe Smith bilang kanyang bayani.
 
"Personal na hero ko siguro si Pepe Smith. Titignan mo na lang yung tao. I-a-admire mo na lang siya eh; yun na lang yun... speechless (ako)."

Panoorin ang buong panayam namin kay Chris sa video sa ibaba.



Para sa iyo, anu-ano ang mga katangian ng isang BAYANI?

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS