ARTICLE

Watch The 2nd Part Of MYX Mo! 2012 @ 7PM! Ano Kaya Ang Mga Naging Wish Ng WOLFGANG, URBANDUB, KAMIKAZEE At SLAPSHOCK Kay Santa?


Kahit mga rockers ng Pinas, gustong magbukas ng isang regalong nakabalot sa kahon o gift wrapper sa pagsapit ng Pasko. 

'Yan ang napatunayan namin sa backstage ng MYXMo! 2012! Natanong namin ang mga rakistang nagtanghal sa nakaraang MYXMo! sa Marikina Sports Park kung ano ang mga trip nilang makuha ngayong panahon ng bigayan at mapagmahal sa kapwa.

Karamihan sa kanila, siyempre gusto ng bagong instrumento. Sina Lean at Lee ng Slapshock, gusto ng gitara. Si Jan-Jan Mendoza naman cymbals. 

May mga iba namang gusto ng mga personal na gamit ngayong pasko. Si Lalay na bassist ng Urbandub, trip magka-iPhone 5! Kahit t-shirt ok na daw kay Basti Artadi ng Wolfgang. Pinaka-limited na Air Jordan rubber shoes naman ang hiling ng bokalista ng Slapshock na si Jamir Garcia... size 10 daw ha!

Kakaibang sagot naman, as usual, ang galing sa Kamikazee boys! Si Bords gusto buhok at si Puto naman muscle, dahil wala nga naman sila kasi ng mga ito. Ewan din namin bakit "Freedom" ang gustong matanggap ng gitaristang si Led.

Click niyo na lang ang mga video sa ibaba para sa iba pang naka-lista sa Christmas wish list ng mga malulupit na bandang ito.





Kung ang wish MO naman ay mapanood muli ang MYX Mo! 2012, tutok na sa MYX mamayang alas-7 ng gabi! 

Comments

X

  • Julven Malones

    posted 4 years ago

    maligayang pasko

PHOTOS

VIDEOS