ARTICLE

Ano Kaya Ang New Year's Resolution Ng SPONGE COLA?


Curious ka ba kung ano ang mga planong ibahin ng mga miyembro ng Sponge Cola sa buhay nila ngayong taon?

Natanong namin sila sa isang eksklusibong panayam.

Itong si Yael New Year na, nasa Doomsday pa din ang utak. "Since we're still alive, idi-dismantle ko na lahat sa isip ko 'yung notion ng End Of The World for the next 29,000 years," sabi ng bokalista. 

Si Gosh naman, gustong ayusin ang kanyang mga gamit sa kanyang kwarto. "Longer attention span for fixing and arranging my things sa kwarto ko," ani ng bahista nang tanungin kung ano ang New Year's resolution.

Bukod sa malinisan din ang kanyang kwarto, may nais ding bawasan si T-Mac sa taong ito. "Fix my room and lose at least 10 lbs during the first quarter," paglalahad ng drummer at pinaka-bagong addition sa banda.

Gusto din ng gitaristang si Armo na maging malusog ang kanyang pangangatawan, ngunit may hindi magandang gawain din siyang nais nang iwasan. "More physical activities like running at least run once a day again and... no more gossip in the workplace," 'ika niya.

Silipin ang mga kuha mula sa performance ng Sponge Cola sa nakaraang MYX Mo! 2012 dito.

Tunghayan ang buong panayam namin sa banda sa video sa ibaba.


Ano ang New Year's resolution mo? I-share mo naman sa box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS