ARTICLE

New Year's Resolution Ng MOONSTAR88: Ma-"Torete" Sa Pamilya At Mag-"Sulat" Pa Ng Kanta!


Naging maganda ang 2012 para sa bandang Moonstar 88

Nag-sign up sila sa Ivory Music at nag-release ng bagong album na tinawag nilang "This Year". Ang bago nilang music video para sa kantang "Ligaw"ay anim na linggo nang nasa Pinoy MYX Countdown at ngayo'y nasa number 10 spot.

Natanong namin ang mga miyembro ng banda kung anu-ano ang kanilang New Year's Resolution for 2013,

"More time sa sarili ko, sa health, tsaka sa family ko," sabi ng drummer na si Bon. Nais rin daw niyang iwasang magka sakit sa pamamagitan ng mas mahabang oras ng tulog.

Mukhang hirap namang umiwas sa social networking sites itong si Maysh. "More time, quality time for my loved ones kasi dapat hindi ako naka tutok sa phone, sa iPod or sa laptop," sabi niya.

Magka-halintulad naman sina Herbert at Paulo sa kanilang sagot na magsulat at matapos ang kanilang mga nililikhang kanta. "Lagi kong nauumpisahan pero 'di ko natatapos," pag-amin ni Herbert.

Silipin ang buong panayam ng MYXPH.COM sa Moonstar88 sa video sa ibaba.


Ikaw, ano ang nais mong simulan at tapusing gawin sa Bagong Taon?

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS