ARTICLE

ROCK YOUR VOTE! Heto Ang Mga Nakaraang Favorite Rock Videos Ng MMAs! Sino Ang Iboboto Ninyo This Year?



Hindi pa-aawat ang Pinoy Rock!

Patunay dito ang mga nagdaang taon kung saan namamayagpag ang mga Rakista ng OPM.

Kaya naman binibigyag parangal ng MYX ang mga artists na patuloy na nag-iingay at ipinag-sisigawan sa mundo na buhay ang rock music sa Pinas.

Muli nating balikan at mag-sound trip sa mga nanalong Favorite Rock Video sa MYX Music Awards.

Obvious na hindi naman kulang sa pansin ang Sponge Cola nang manalo ang "KLSP" sa first ever MYX Music Awards. Idinirehe ito ng yumaong Master Rapper Francis M.


Mahigpit ang kapit ng Sponge Cola sa Favorite Rock Video Award nang sila ay manalo muli noong 2007 para sa "Bitiw".


Libu-libong mga bampira na nagpuyat upang mag-text para iboto ang "Chicosci Vampire Social Club" ng Chicosci noong 2008.


Year of the Cat naman noong 2009. Malayo sa "friend zone" ang trato ng mga babae sa Pedicab sa music video ng "Ang Pusa Mo", sa direksyon ng isa din nilang miyembro na si RA Rivera.  


Yari silang lahat sa "Diamond Shotgun" ng Chicosci na naka-"lock and load" sa Favorite Rock Video trophy tatlong taon na ang nakalipas.


Steady lang as always ang bandang Sandwich. "Lakad" lang ang katapat sa red carpet ng 2011 MYX Music Awards upang i-claim ang kanilang Favorite Rock Video trophy.


Sweet na sweet ang "Halik" ng Kamikazee dahil sila ang nakatanggap ng matatamis ninyong boto upang manalo last year! 



Mag-back to back wins kaya ang Kamikazee this year?

Matanggap kaya ng Typecast at Wolfgang ang kanilang unang Favorite Rock Video Award?

Hindi din naman pahuhuli ang dalawang ex-Rivermaya members na sina Bamboo at Rico Blanco!

Kaya iboto na ang inyong mga paboritong artists sa MYX Music Awards 2013!

There are three ways to vote, you can vote via  www.myxph.com/mma2013 , MYX Facebook page, and on Twitter.

Hanggang March 17 lamang ang pagboto.

The MYX Music Awards 2013 will be on March 20 and we will bring it you live on your computer screens via livestream!

Who will have your vote for Favorite Rock Video? Leave a comment below!

Comments

X

  • Lheng19

    posted 1 year ago

    Higher Now - Elmerjun Hilario

  • myx music

    posted 3 years ago

    Chicosci- Diamond Shotgun
    Lock and Load

PHOTOS

VIDEOS