ARTICLE

Guys! Mamaya Na Ang MMA 2013! Balikan Muna Ang Mga Nakaraang Nanalo Ng FAVORITE MUSIC VIDEO! Sino Kaya This Year?


Excited na ba kayo para sa MYX Music Awards 2013? 

Handa na ba ang mga computer at laptop ninyo para mapanood ang LIVESTREAM at maki-live chat din sa amin? 

80s ang tema natin bukas so samahan ninyo kaming balikan ang napaka-makulay na dekadang iyon.

Speaking of reminiscing, ating balikan ang mga nanalo ng isa sa o ang pinaka-inaasam-asam na category sa MMAs, ang Favorite Music Video award!



Safe na safe ang trophy noong 2006 nang mapanalunan ito ng tinaguriang banda ng bayan noon na Rivermaya.


Feeling "Invincible" sigurado and Asiansation na si Christian Bautista noong 2007 sa video na i-dinirehe ni Treb Monteras III.


Mistulang "Tuliro" si Direk Treb noong 2008 dahil sa kanyang back-to-back wins courtesy of Sponge Cola naman.


Hindi naman nagpa-tumpik-tumpik sa kanilang mga instant signature moves ang Sandwich nang manalo noong 2009 kasama ang direktor na si Quark Henares.


Napatawad natin ang 6cyclemind at si Gloc-9 sa kanilang "Kasalanan" nang i-uwi ang tropeo at ang ikatlong Favorite Music Video award ni Treb Monteras III.


Hindi pumara at huminto ang Yengsters sa pagboto ng "Jeepney Love Story" ni Yeng Constantino two years ago na directed by Avid Liongoren.


Kasing-klaro at kasing-linis ng EDSA sa "20/20" music video , na dinirek ni Jason Tan, ang pagka-pili nito bilang Favorite Music Video last year.


Sino kaya ang pinaka-paborito ninyo this year? 

Oras na ba para sa "12:51"?
Tumalab kaya ang "Gayuma" ni Abra?  
Mananaig ba ang "Pag-Ibig"? 
"Sige Lang" ba para kay Quest? 
Aahon ba ang "Sirena"?

Malalaman na mamaya ang sagot sa mga katanungan na iyan!

Kaya samahan ninyo kami sa Music Museum at manood ng LIVESTREAM ng MYX Music Awards 2013 mula 6PM!

Sino para sa inyo ang mananalo ng Favorite Music Video sa MMA 2013?

Comments

X

  • natalie aban

    posted 3 years ago

    abra po sana po manalo kayu good luck po kuya abra we love u po

  • abranaticx

    posted 3 years ago

    good luck sa music video mong gayuma IDOL ABRA !
    we are here to support to you !

  • Bryna30

    posted 3 years ago

    Good luck Gayuma and Idol Kuya Abra! :">

  • dianagracetorres

    posted 3 years ago

    anong oras po ang mma
    good luck idol abra..:)

  • mayniel

    posted 3 years ago

    good luck ate yeng at my sweetheart daniel :)

PHOTOS

VIDEOS