ARTICLE

VJs CHINO, MICHELLE and K.A. Video Blog About MMA 2013! Excited Na Ba Kayo Manood Mamayang 6:30PM?


Music fans mula sa lahat ng panig ng mundo, ito na ang araw na inyong pinaka-hihintay!

MYX Music Awards 2013 TV screening na!

Panoorin muli o sa kauna-unahang pagkakataon, ang lahat ng kaganapan, mula sa excitement sa Red Carpet hanggang sa celebration sa After Party.

Sariwain ang mga bonggang performances at kung sino ang mga nagwagi sa lahat ng mga categories this year.

Tutok na sa MYX cable channel mula 6:30PM at maki-80s party sa amin!

Gusto niyo ba makita ang inyong favorite VJs at kung ano ang kanilang mga ginagawa at rituals, ilang sandali before magsimula ang show?

Check out their Video Blogs right before the ceremonies below!

Unang beses nitong si VJ Michelle sa MMAs at dahil diyan, lubos niyang pinag-handaan ang kanyang suot na damit! She's so excited, as always!

 

Hindi maitago ni VJ K.A. ang kanyang kaba, na parang si Madonna "Like A Virgin" sa kanyang first time mag-host ng MMAs! 

 

Kung sabi ni Michael Jackson,"Beat It!", ang sabi naman ni VJ chino ay "Eat it!" dahil food trip muna siya para may energy sa isang mahaba, masaya at fashionistang gabi! Eat it, beat it, book it!


Ikaw, excited ka na ba mapanood ang MYX Music Awards 2013? Ano ang inyong mga ina-abangang portion at categories? Leave YOUR answers in our comment box below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS