ARTICLE

CALLALILY Shares Their April Fools Plans! "HKM" Is #4 On The Daily Top 10 Chart Today.


Maloko din pala itong mga Callalily boys, ano?

Nang tanungin namin sila tungkol sa April Fools' Day ay ibinahagi nila ang mga plano nilang practical jokes sa isa't isa.

Balak pasuin ng drummer na si Lem si Kean ng isang mainit na doorknob! Gaganti naman daw ang bokalista at itatago daw 'yung sapatos ni Lem sa microwave oven.

Isang text prank ang planong bitawan ng bassist na si Aaron. Si Tatsi, gigising daw nang maaga para malamang ay abangan ang mga bibiro sa kanya.

May pahabol pang kalokohan si Kean para daw sa kapatid niya!

Alamin ang mga jokes na ito sa video sa ibaba.

Siguradong tuwang-tuwa ang mga ito kapag nagawa nga nila ang mga pasaway na plano nila. 'Ika nga nila, boys will be boys talaga! 

Tuwang-tuwa din ang mga Callalista dahil nananatili sa MYX Daily Top 10 ngayong araw ang "HKM" sa #4 spot.  

Panoorin ang kabuuan ng aming panayam sa Callalily sa MMA 2013 Red Carpet.


Kaninong plano kaya ang pinaka-effective sa tingin ninyo?

Comments

X

  • sw8gel

    posted 3 years ago

    Hahahhaa asteg Callalily u myen :)ehehhe, we make it #1 ang HKM sa Daily top10..pray2x..

PHOTOS

VIDEOS