ARTICLE

MYRTLE SARROSA Gustong Magpalamig Sa Siquijor Ngayong Summer!


Grabe ang init ngayong araw dito sa Metro Manila!

Biruin mo, 35.4 degrees Celsius kanina! Ito na ang pinaka-mainit na temeratura na naitala so far ngayong taon ayon sa PAGASA. 

Posible pa daw na mahigitan yan at lalong uminit sa mga susunod na araw sabi ng weather bureau.

Isang solusyon sa tag-init ay ang pag-bisita sa mga beach or magpunta out of town.

Natanong namin si Myrtle Sarrosa kung saan ang kanyang paboritong puntahan kapag ganitong mainit at pag ganitong summer time!

"Gusto ko bumalik sa Siquijor. I really like it there. Pumunta ako doon last year at sobrang ganda doon," sagot ng Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner.

Kilala ang probinsya ng Siquijor para sa kanyang mga kwento ng salamangka o mga urban legends tungkol sa witchcraft. Bukod sa white sand beaches at mga magagandang tanawin, iyan marahil ang nakaka-akit sa mga turista tulad ni Myrtle, na pumunta dito.

"Sana guys this summer you guys will support my upcoming album under Star Records," dagdag ng nabansagang 'Cosplay Cutie ng Ilo-ilo'.

Ang kanyang music video para sa remake niyang "Mr. Kupido" ay nananatili sa MYX Daily Top 10. Ito ay nasa #10 spot ngayong araw after 3 weeks na sa chart.

I-click ang video sa ibaba para sa aming MYXPH.COM exclusive interview.


Ikaw, saan ang favorite summer destination mo? Leave your answer sa comment box namin below.

Comments

X

  • angel143

    posted 3 years ago

    one direction <3

  • getron

    posted 3 years ago

    Gusto ko sa London because of HARRY POTTER <3

  • miamactal

    posted 3 years ago

    Haha, ireland at uk. XD

  • angel143

    posted 3 years ago

    ang sa akin ang gusto ko puntahan kng magbakasyon ay ang london kasi nandoon ang one direction. hahahahahaa

PHOTOS

VIDEOS