ARTICLE

"Araneta Dreams" Concert Na Mamaya! Invited Kayo Nina ABRA At LOONIE!


Philippine hip hop is about to stage their biggest concert ever with "Araneta Dreams" tonight!

Mamayang gabi ay mawi-witness nating lahat ang pinaka-malaking hip hop event to date. Magsasama-sama ang biggest Philippine hip hop acts para i-invade ang Araneta Coliseum.

"Malalagay tayo sa mapa ng hip hop sa buong mundo," sabi ni Abra sa aming ekslusibong panayam sa kanya. 

Ano ba ang dapat abangan ng mga hip hop fans sa "Araneta Dreams"?

"Yung mga paborito niyong battle rappers magsasama sa isang battle royal. Freestyle battle lang for P300,000. All-star concert din dahil magpe-perform yung mga paborito niyong hip hop acts," dagdag pa ni Abra.

Bukod dito, isa rin sa mga pinaka-inaabangan sa concert nila mamaya ay ang battle ni Loonie at ng world-renowned battle rapper na si Dizaster. Ano kaya ang masasabi ni Loonie tungkol dito?

"Ipapakita natin kay Dizaster na dito sa Pilipinas hindi siya pwedeng maghari-harian," sabi ni Loonie.

Siguradong aabangan ng lahat ang battle ni Loonie kay Dizaster pero bukod sa kanilang battle ay magtatapat din sina Batas at Swave Sevah.

Panuorin ang aming buong panayam kina Abra at Loonie sa ibaba:



Excited na ba kayo para sa "Araneta Dreams" concert? Ano pinaka-inaabangan mo? Leave a comment below!

Comments

X

  • dlrama

    posted 3 years ago

    WOW! Mabuhay!! #ARANETADREAMS

  • floriane

    posted 3 years ago

    go ! lang ng go ! ...:) Yang di makapunTa laYu kase huhu :( ..

  • mahal kita

    posted 3 years ago

    go lang ng go mga idol! Pinoy ang number one !

  • akosijhayson

    posted 3 years ago

    goodluck idol.. ibaon nyo

PHOTOS

VIDEOS