ARTICLE

CALLALILY Reveals Their Favorite Summer Destination!



Sa lupit ng init ng panahon, gugustuhin mong magpalamig sa paborito mong summer destination, 'di ba?

Saan kaya ang pinaka-hindi malilimutang pasyalan ng Callalily boys kapag ganitong Summer?

"Favorite summer destination ko ay La Union", sabi ng bassist na si Aaron Ricafrente. 

Si Kean naman mukhang "staycation" lang ang trip ngayong tag-init. "Ako sa kwarto ko tapos naka-aircon ako... may water melon shake," sabi ng bokalista. 

Gusto naman ng kaunting "Me time" ni Lemuel Belaro sa beach. "Ako, sa Zambales siyempre, dun sa beach na ikaw lang tao," sabi ng drummer. 

"Sa California!" pabirong sabi ng gitaristang si Tatsi Jamnague, na binawi naman niya at sinabing "sa Hot Springs sa Laguna" niya gustong magpa-cool.

So sa mga Callalistas, abangan niyo na ang mga idol ninyo sa mga Summer spots na nabanggit ng ating MMA 2013 Favorite Group!

Patuloy ninyong iboto ang "HKM" na nasa #5 spot ngayong araw sa MYX Daily Top 10.

I-click ang video sa ibaba para mapanood ang aming full interview.


Eh kayo, saan kayo mag-a-outing ngayong Summer? Share niyo naman sa amin ang paboritong summer destination ninyo!

Comments

X

  • john_love.myx14

    posted 3 years ago

    hhahha cute ni kean.. :)

  • sw8gel

    posted 3 years ago

    Hahahha,ang cute nman,,,ehehe

PHOTOS

VIDEOS