ARTICLE

It's National Siblings Day! Heto Ang Ilan Sa Mga Magkakapatid Na Pinoy Musicians!


Sa pagka-hilig nating mga Pinoy sa musika, hindi malayong gawing career ito ng higit sa isang miyembro ng pamilya natin. 'Ika nga nila "it runs in the family", 'di ba?

Sa pag-gunita sa National Siblings Day, alamin natin ang mga OPM artists na hindi lang magka-dugo, kung hindi magka-parehas pa ng hilig sa pag-tugtog.



Hindi mapagkakaila ang parehong indigenous at "tatak-Pinoy" na musika nina Cynthia Alexander at Joey Ayala.

Si Nick Azarcon, na dating guitarist-songwriter ng Pinoy soul band na Sinosikat, ay utol ni Nathan Azarcon ng Hijo.

Nakababatang kapatid ni Ely Buendia si Lally a.k.a. Domino.

Sina Manong Vin Dancel ng Peryodiko at si Ebe Dancel ay "mag-ading" din! 

Magka-banda sa Gracenote ang talentadong sina Eunice at Jazz Jorge.

Ang Fil-Am brothers na sina DJ at Micah ay ang up and coming duo na The Lamars.

Matagal nang nasa eksena ang bandang True Faith, pero mas matagl nang magka-kilala sina Medwin Marfil na bokalista at si Eugene Marfil na gitarista. Since birth! Hehehe.



Bass playing ang bonding ng brothers Paraguya na si Bopip ng Color It Red at si Mally na dating P.O.T. 

Malamang sa malamang, nagkakantahan kasama ang nanay nila kapag may family reunions sina Karylle at Zia Quizon. Tingin niyo?

0  karl roy.jpg
Mag-kapatid hanggang sa dulo ng mundo ang mga rakistang sina Karl at Kevin Roy. 

Power pop girls talaga ang peg kapag nagsanib-pwersa ang mga boses nina Juliet at Mercy Sunot ng bandang Aegis. 

Siguradong mapapa-nganga ka na lang kapag nag-jamming si Allen Umali ng Sinosikat on bass at Ian Umali ng P.O.T. on guitars!

Activated ang "Wonder twin powers" nina Mike at Angelo Villegas sa "Ayaw Na Kung Ayaw" music video ni Cathie Go. Check it out!

Kasing-tatag ng "12:51" noon sa MYX charts ang samahan ng cutie sisters na sina Krissy & Ericka Villongco.

Nakilala natin ang magkapatid na Yanni at Yael Yuzon sa larangan ng OPM rock!

Anong masasabi ninyo sa aming listahan ng mga blood-related local music celebrities?
<="" div="">

Sigurado, may mga na-iisip pa kayong mga magkakapatid na OPM musicians from the scene today and from the not-so-recent past.

Paki-share naman sila sa amin sa comment box sa ibaba.

Comments

X

  • Khrizta

    posted 3 years ago

    EE and PeeJ Jorge :)

  • kahtt

    posted 3 years ago

    Si Bobby at Chris Padilla ng Hilera/Oktaves; Japs & Dok Sergio of Rivermaya & Pupil

  • angel143

    posted 3 years ago

    wow!! sweet nila!

  • welrhine

    posted 3 years ago

    galing .. yung iba ngayun ko lang nalaman :)

PHOTOS

VIDEOS